CHAPTER 24- CONFRONTATION

1.2K 61 5
                                    


Tahimik lang ako na bumaba sa aking sasakyan. Nasa parking lot na ako ng MHIS. Maaga pa naman kaya hindi rin ako nagmamadali.

"Ikaw si Kenya Guieco, hindi ba? "

Napaangat naman ako ng tingin saka napalunok nang mapagtanto kung sino ang nagsalita. Si President Dawn ang nasa harapan ko.

Kahit na maamo ang mukha nito at mukha namang mabait ay hindi ko pa rin maiwasang kabahan. Baka dahil ina siya ni Dailann.

Relax lang tayo, bawal mag-panic.

"Good morning, President Dawn. Ako nga po si Kenya Guieco."

Ngumiti naman ito. "Natatakot ka ba sa akin, Miss Guieco?"

Obvious ba?

"Medyo," pag-aaminin ko pa.

Natawa naman ito. "Dapat lang. Follow me."

Tumango naman ako at sinundan ito.
Tinahak namin ang daan papasok ng MHIS Campus.

"Sabayan mo ako. Huwag kang bumuntot. Baka mamaya ay mapagkamalan ka pang alalay ko."

Wow, ha? Napaka-straight forward naman pala.

Sinabayan ko nga ito. Kung ganda at tangkad ang labanan ay may laban naman ako kaya 'di naman nakakahiyang sumabay sa kaniya sa paglalakad.

Guro man o estudyante, lahat ay nakatingin sa amin. Ininda ko lang ang hiyang nararamdaman ko dahil sa mga matang nakamasid sa amin ngayon.

Dumiretso kami sa office ni Dailann. Wala pa siya rito. Hindi ko rin alam kung papasok ba siya dahil kagabi ay medyo masama raw ang kaniyang pakiramdam.

Umupo ang ginang sa puwesto palagi ni Dail samantalang ako naman ay nakatayo lang.

"Have a seat. May pag-uusapan tayong mahalaga."

Tahimik na umupo ako sa harapan nito. May table naman na nakaharang sa pagitan namin.

"Totoo ba ang narinig ko na girlfriend ka ng anak ko?" direkta nitong tanong.

"Totoo po ang narinig ninyo, President Dawn," walang alinlangan kong saad.

Ayaw kong magsinungaling at mas lalong ayaw kong ipagkaila ang relasyon namin ng anak nito.

"Ilang buwan pa lang kayong magkakilala?"

"Mga..."

Ilang buwan nga ba? Nagbilang naman ako sa isipan ko.

"Three months po."

"Three months? Pagkatapos ay kayo na agad? Gano'n kadali?" puno ng pagdududa nitong usisa.

Just dawned on me how swiftly everything happened. Three months felt like ages since I met Dail. Amid the tears and pain, I didn't realize our connection was relatively short.

"Gano'n na nga po."

Parang gusto kong batukan ang sarili ko dahil sa sagot kong iyon. Nabobobo yata ako. Nakakahiya.

"Sabihin mo sa akin kung bakit mo minahal ang anak ko? Ang bilis naman yata. Baka pareho lang kayong nabibigla."

Hindi ko naman alam kung paano ipaliwanag dito ang lahat. Mas lalong hindi ko puwedeng sabihin na sa one night stand nagsimula ang lahat. Baka mas lalo ako nitong pag-isipan ng masama.

"It just... happened, President Dawn."

"It just happened? Sa tingin mo ba ay pagmamahal talaga ang nararamdaman ninyo sa isat-isa?"

Bukod sa mas matatas pa siyang managalog sa akin ay mas pasmado rin ang bunganga niya. Tsk!

"So why can't you explain why you love my son? Is it solely about his position in this institution, or is it all about his money?"

Wild Night With My Stranger (Guieco Clan Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon