CHAPTER 28- HOT AND HANDSOME

1.1K 63 3
                                    


Night shift si Lacey kaya ni-request ko sa kaniya na sa gano'ng oras na lang din ako ilagay dahil kailangan ko pa ng guide niya. Mabuti at pumayag naman.

Lumabas na kami ng apartment at dumiretso sa sinasabi niyang resto-bar. Resto sa umaga at bar naman sa gabi. Delaine Bar ang mababasa sa entrance door. Napailing na lang ako.

Sounds like Dailann.

Ipinakilala ako ni Lacey sa mga magiging kasama ko at hindi ko alam kung likas na assuming lang talaga ako o totoo ang pagkamangha sa mga hitsura nila.

"Ma'am Lacey, sure ka ho bang waitress ito? Hindi po ba kamag-anak ni Ma'am Delaine?" usisa ni Jonathan. Mukhang iyon ang pangalan ng pinaka-boss namin.

"Ang kulit mo talaga. Mas maganda at expensive pa ang lahi niyan kaysa sa boss natin. Sige na! Work, work, work!"

Kumilos na rin ako. Kahit naman wala akong experience sa ganitong klaseng trabaho ay fast learner naman ako kaya madali akong natuto.

Totoo ngang nakakapagod at nakakangalay sa katawan. Sobrang dami ng customers at ang iba ay maa-attitude pa. Saludo na talaga ako sa mga taong ganito ang trabaho.

Mayroon pang mga lalaking literal na nagpapapansin. Iyong iba naman ay tinatawag lang ako pagkatapos ay magkukunwaring nakalimutan na ang sasabihin kapag nasa harapan na nila ako. Sarap pukpukin ng tray na dala ko.

Miss ko na si Stranger... Ano ba, Kenya?

Inabala ko na lang ang sarili ko para 'wag siyang sumagi sa kukuti ko. Matulin na lumipas ang oras.

Umaga na kami nakauwi ni Lacey at agad na bumagsak ang katawan ko sa higaan. Sa sobrang pagod ko ay parang ayoko ng gumalaw at idilat ang aking mga mata.

Iyon pala ang totoong trabaho. Mararamdaman mo ang pagod.

Naririnig ko pang tinatawag ako ni Lacey pero binalewala ko lang. Bandang tanghali ay ginising na naman ako ng bruha.

"Yes? Ano ba 'yon?" asik ko habang nilalabanan ang antok.

Tumawa naman ito. "Ay naku! Mukhang may nagsisisi na rito," alaska nito pa sa 'kin. "Quit na ba?"

Napabalikwas naman ako ng bangon bago pa ako nito tanggalan ng trabaho. Nakalimutan kong isa nga pala ito sa bosses ko.

"Hindi, ha? Napagod lang ako," tanggi ko.

Humagalpak na naman ito ng tawa. "See? I told you, Ma'am Kenya Guieco. Ano? Suko na?"

"Kaya ko pa," deklara ko saka akmang hihiga ulit pero napigilan ako nito.

"Kailangan mong kumain sa tamang oras kahit gaano ka pa kapagod. Iyan ang tanging paraan mo para maka-survive dito."

"Tinatamad akong lumabas."

"Kakain ka, hindi lalabas. Nakapagluto na ako."

Medyo dinapuan naman ako ng hiya. Nakapagluto na ito pero parang todo pa rin ang energy samantalang ako ay parang lantang kangkong.

"Alam ko ang iniisip mo. Don't worry, dumaan din ako sa ganiyang stage. Hindi ko naman din talaga forte ang ganitong trabaho pero nakapag-adjust naman ako," sabi nito at gumuhit sa mukha ang lungkot.

Pasimple akong napabuntonghininga. Wala akong ibang pagpipilian kundi bumangon at kumain. Hindi na ako dinapuan ng antok pero tinatamad pa rin akong kumilos.

Ganito pala ang buhay normal. Napakahirap. Ang isang araw kong allowance noong college ako ay isang buwang sahuran ko ngayon.

Kahit maligo ay kinatamaran ko na rin. Dati ay hindi puwedeng hindi ako maligo bago matulog pero ngayon ay tulog kaagad ako pagkatapos ng trabaho. Kung dati ay halos isa o mahigit oras ako sa shower room ko, ngayon ay baka mahaba na ang labing-limang minuto.

Wild Night With My Stranger (Guieco Clan Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon