CHAPTER 25- IN DANGER

1.1K 65 5
                                    

Pasado 7:55 p.m na at dahil sa napagod ako sa maghapong gala namin ni Dailann ay matutulog na kaagad ako. Kumain na rin kami sa labas. Lunes na bukas kaya maaga pa ako gigising.

Pinatay ko na ang ilaw sa Flat. Tanging ang lampshade lang ang binuksan ko sa aking kuwarto. Pahiga na ako nang tumunog ang aking cellphone. Tumayo ako at kinuha iyon sa sling bag na pinaglagyan ko.

Bago ko pa makuha iyon ay may napansin akong parang umiilaw sa mismong loob ng bag ko.

Ang papel na may nakasulat na YOU'LL DIE SOON na nakuha ko sa sasakyan ni Dailann pala ang pinagmumulan ng liwanag.

Kanina ko lang ito nakuha sa sasakyan ko. Naglinis kasi ako sa loob dahil sa akin nakisakay ang maselang si Marciella.

Pinakatitigan ko ito nang maayos. Hindi pala ang papel ang mismong naggo-glow sa dilim kundi ang sulat na hindi ko man lang napansin.

Binuksan ko ang ilaw tapos tiningnan ang papel. Wala na ang umiilaw at wala na rin ang letters at numbers na nakasulat.

Magic Pen. Ang pen na tanging sa dilim mo lang mababasa ang mga salita na isinulat gamit iyon. Mayroon din kaming GC Magic Pen at sa misyon lang namin ginagamit. Katulad na lang pag may maselang mensahe kaming ipapadala sa RAO o kahit saang agency.

Kinuha ko naman ang ang cellphone. May message pala si Stranger pero wala namang laman. Baka napindot lang.

Hindi ko na muna pinansin iyon. Dinial ko ang number ni Marciella.

"Hello, Marci."

"Yes?"

"Where are you?"

"Sa Flat ko kasama si Gab. Bakit?"

"Puwede ba kayong pumarito sa Flat ko? May ipapa-check lang ako sa inyo."

"Sige. Papunta na. Gab, get up!"

"Why? Matutulog ako, eh."

"Anong matutulog? Hindi mo Flat ito."

"Gusto kitang makatabi, Marciella Del Pilar."

Narinig ko ang buntonghininga ni Marci. Hindi ko na muna pinatay ang linya. Saka na kapag nandito na sila dahil hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako na ewan.

"Fine pero tumayo ka na diyan. Kailangan tayo ni Kenya."

"Hala! May kaaway ba? Ready to backup na ako!"

Zsss! Warfreak talaga!

"Wala, okay! Dali na!"

"Yes , yes, yes."

Nailing na lang ako. Narinig ko ang pagsara ng pinto. Ibig sabihin ay papunta na sila. Maya-maya pa ay pumasok na nga sila sa Flat ko. Pinatay ko na ang tawag.

"Ano 'yon, Kenya?" nakangusong usisa ni Gab habang nakapulupot pa ang kamay nito sa kakambal.

Parang ang lahat ay clingy masyado kay Marci kahit na robot ito. Iniabot ko na lang sa kanila ang papel.

"Death threat? Kay Dailann ba ito?" kaagad na usisa ni Marciella.

"Yes. Mga dalawa o tatlong linggo ko na iyan nakuha pero nakaligtaan ko lang."

"Tapos?" sabay pa nilang tanong na mukhang may inaasahan na marinig mula sa 'kin.

Tumayo ako at pinatay ang ilaw.

"Ahh! Ang dilim!" tili ni Gab tapos naaaninag ko na nakayakap na ito sa kakambal. Duwag nga pala ito sa madidilim na lugar.

"Manahimik ka, Gab," saway ko.

Wild Night With My Stranger (Guieco Clan Series 1)Where stories live. Discover now