CHAPTER 16- NO CHANCE

1.4K 77 1
                                    


"Ayaw mong uminom?" tanong sa akin ni Dailann.

Kasalukuyan kaming nasa DM Bar. Tinanong niya ako kanina kung gusto ko raw bang kumuha kami ng VIP room para mas maging komportable ako pero mas gusto ko rito sa nakikita ko kung gaano kasaya ang mga tao habang ka-bonding ang kanilang mga kaibigan o kasintahan.

"Ayaw ko," sagot ko naman.

May trauma pa ako sa huling beses na uminom ako ng walang pakundangan. Nagiging wild nga talaga ako.

"Why? Takot ka bang..."

Nang-aasar niyang pinalandas ang kaniyang daliri sa hiyas kong naka-expose dahil sa suot kong ragged denim short. Manipis lang din ang white long sleeve ko na hindi nakasara ang unang tatlong butones.

"Shut up." Pinisil ko ang kaniyang kanang hita. Nagtama pa ang aming paningin.

Bago pa ako makapagsalita ay dumapo na ang kaniyang labi sa labi ko. Hindi ko maipagkakailang magaling siyang humalik at walang babaeng hindi tutugon sa kaniyang pang-aakit.

"Gusto na kitang maging girlfriend," aniya pa nang kumalas ang aming mga labi sa isa't-isa.

Nanatiling magkadikit naman ang aming mga noo. Sunod ay namalayan ko na lang na nasa kandungan niya na pala ako.

"Kapag ba girlfriend mo na ako ay hindi mo ako pagbabawalang magsuot ng ganitong outfit?"

Katulad ng pangbabawal ni Jelo.

"Bakit naman kita pagbabawalan? Ang sexy mo kaya sa suot mong 'yan? Hanggang tingin lang naman sila sa 'yo dahil hindi ko hahayaan makalapit at mahawakan ka nila. Isuot ang gusto mong isuot basta ba ay aking ka lang," bulong niya pa sa huli niyang linya.

Oh. Hindi siya mahigpit na boyfriend. Gusto ko siya sa part na gano'n.

"Nanliligaw ka ba talaga? Hindi mo naman ako china-charot lang, 'di ba? Alam mo kasing kagagaling ko lang sa matinding break up. Sabihin man nating gusto kita pero may isyu pa rin ako sa ex-boyfriend ko," pandidiretso ko pa.

Bahagya siyang napanguso. Pinigilan kong matawa.

Cute.

Ipinulupot ko ang aking mga kamay sa kaniyang leeg para mas maging komportable akong nakaupo sa kaniyang kandungan.

"May ex-girlfriend ka ba?" usisa ko.

"Marami," tipid niyang sagot.

Obvious naman. Sa guwapo niya ay imposibleng wala siyang ex-girlfriends.

Isinandal niya ang kaniyang ulo sa aking balikat hanggang sa maramdaman ko ang kaniyang labi sa aking leeg.

"Can I ask you a favor?" mahina niyang tanong niya pa.

"Anong favor ba?" kaswal kong usisa.

Niyakap niya ako sa baywang. "Puwede bang manatili ka sa tabi ko sa oras na nasa pinakamahirap na sitwasyon ako?"

Nagkatuosan kami ng tingin. Ngayon ay malinaw kong nakikita ang iba't-ibang emosyon sa kaniyang mga mata na alam ko namang pilit niyang itinatago sa lahat. Lalong-lalo na sa akin.

"Paano ko malalamang nasa gano'ng sitwasyon ka? Bigyan mo ako ng hint, Chairman Dail."

"Kapag nagalit ka sa akin nang sobra-sobra."

Pinigilan kong napakunot-noo. Anong pinagsasabi ng taong ito? Bakit naman ako magagalit sa kaniya?

"Bakit?" tanging naitanong ko. Hindi naman na siya umimik pa. "Okay. Gagawin ko ang pabor na hinihingi mo. Uwi na tayo?" yaya ko na lang sa kaniya.

Wild Night With My Stranger (Guieco Clan Series 1)Where stories live. Discover now