10

794 29 0
                                    


"Ikaw! Ba't mo kinalat? Hindi ko nga pinagsabi sa lahat na crush mo 'yung kaibigan ko! Tapos ito igaganti mo?!"

"Jeo-" Hindi ko natuloy ang mga sasabihin ko sana nang sinigawan niya na naman ako.

"Edi wow! Si Haruto na 'yung gwapo, matalino, lahat na!"

Pinagtinginan ng mga tao si Jeongwoo na pumasok na sa building ng school. Ako naman, pinagtinginan din. Ang init na nga dito, sinigawan pa ako.

Agad akong bumalik sa pinaglilinisan ko kanina at hinanap si Yura. Siya lang naman 'yung nakakaalam dito e.

"Yura." Hinila ko siya sa likod ng school, kung saan walang masyadong mga tao dahil may mga lamok daw.

"Bakit? Pinansin ka ni Haru?"

Hindi ko siya sinagot, "Pinagkalat mo ba yung reply ni Jeongwoo sa'kin?"

Agad dumilat ang mga mata niya at umiling siya. "Bakit? May nakaalam ba?"

Dahan-dahan akong tumango.

"Ha?! Paano?! Kailan at bakit?!" Tinakpan ko ang mga bibig niya at tumingin sa paligid kung may nakakakita ba sa'min.

"Ang habang kuwento. Malalaman mo din sa iba."

Ayon, hanggang sa pag-uwi namin, nagpumilit pa din siyang ikuwento ko sa kanya ang lahat, kaya kinuwento ko na. Baka kasi ibang kuwento na ang marinig niya kapag iba ang nakapagsabi sa kanya.

 ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」Where stories live. Discover now