18

740 32 9
                                    


Hindi pa nagsisimula ang klase kaya puwede pang makapunta ang mga taga ibang section sa room. Ang strikto kasi ng class pres namin, dapat daw, walang makapuntang mga taga ibang section kapag class hours para kapag may nasira, kami lang ang masisisi. Hindi naman ganito si Jeongwoo sa Section A. Ang unfair!

Dahil wala pa ang seatmate ko, si Yura muna ang naupo sa upuan sa tabi ko at nakipagkuwentuhan. Kinuwento niya sa'kin kung gaano kaganda ang episode one ng anime na pinapanood niya. May bagong season daw kasi.

As usual, medyo maingay si Haruto dito sa room. Ang dami niyang kausap, lahat kasi ng lalaki sa room nakakahalobilo niya. Kasama na si Junghwan. Sana nga lalaki nalang din ako. Haha!

Sa hindi inaasahang pagkakataon, hindi lang pala ako ang may bisita dito sa kulungan ng Section B. Si Haruto din pala. Bisita niya si Jeongwoo.

Nag-usap silang dalawa malapit sa pintuan. Medyo may mga tumitingin ding mga kaklase kong babae kay Jeongwoo.

Hindi nila alam na kaibigan ko 'yang lalaking yan.

Joke, baka hindi pa kaibigan ang turing niya sa'kin.

"Oi, nandito si Jeongwoo o. Diba nakaka-chat mo 'yan." Sabi ni Yura.

"For school purposes lang naman 'yung pinag-uusapan namin." Sagot ko.

"Weh? Umabot nga 'yung usapan niyo sa selos." Bumulong siya. Sinamaan ko siya ng tingin at mukhang naintindihan naman niya ang gusto kong iparating.

Hindi ko napansin na nakatingin na pala kami kina Haruto at Jeongwoo. Napatingin kasi si Jeongwoo sa direksyon namin.

Ngumuso siya ng bahagya, pabiro ko naman siyang sinamaan ng tingin kaya ngumisi siya.

Napansin naman kami ni Haruto at sinuntok niya ng mahina si Jeongwoo sa tiyan.

"Ree! Hintayin mo ako mamayang uwian. Ako naman ang manglilibre!" Sigaw ni Jeongwoo.

Bilang lang ang mga nakarinig n'on dahil sa ingay ng room, pero may narinig pa din akong mga nag-"Sana all!" at mga nang-asar.

"Hindi mo nga ako nililibre. 'Yon pa kaya." Patampong sinabi ni Yura.

"Yura naman. May atraso ako e. Kaya nanglibre ako sa kanya." Sinigurado kong nilakasan ko ang boses ko para marinig din ng mga taong nang-asar kanina.

"Ngayon may atraso ka na sa'kin. Bilhan mo ako ng pagkain mamaya."

"Susubukan ng bulsa ko Yura."

 ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」Where stories live. Discover now