26

664 42 18
                                    


Gumaan ang trabaho ko nang tinulungan ako ni Jeongwoo. Siya na kasi ang nag-erase sa mga sulat sa blackboard at tumulong na din sa'kin sa pag-arrange ng mga upuan.

Dumaan kami sa room nila, at wala na doon sina Yura. Nang lumabas kami sa building, nakita naman namin sina Junghwan na nagpa-practice pa din.

"Magco-commute ka?" Panimulang tanong ni Jeongwoo habang naglalakad kami papunta sa gate.

"Susunduin ako ni Papa, baka nand'yan na nga siya e." Tumango siya.

"Ikaw ba? Diba susunduin mo pa 'yung kambal?" Tanong ko, ngayon ko lang naalala na susunduin pa pala niya 'yung dalawa, dapat hindi ko na siya pinatulong kanina.

"Hindi. Sinusundo na sila ni Mama ngayon, kaya ayos na ayos ako sa pagtatagal ko dito sa school." Pabiro niyang sagot.

"Nand'yan na nga pala talaga si Papa." Sambit ko nang nakita na ang pulang kotse sa gilid ng gate.

Nag-"Babye!" na ako at binilisan na ang lakad ko nang, "Wait lang Ree."

Lumingon ako habang hawak ng dalawang kamay ko ang strap ng bag ko. Lumapit siya sa'kin at may kinuha sa bag niya.

"Baka napagod ka kakalinis kanina." Sabi niya sabay abot sa'kin ng Oreo.

 ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」Where stories live. Discover now