62

611 29 2
                                    


Hindi pa nga kami nakakapasok sa gate, bumungad na sa'min ang tumatakbong nakangiting Jeongwoo. Mukhang asong nakawala sa kadena niya.

"Happy birthday Jeongwoo!"

"Happy birthday Hijo."

Bati nina Mama at Papa nang iabot ni Mama ang regalo niya kay Jeongwoo.

"Thank you po Tita. At sa inyo din po, Tito." Ngiti niya. "Pumasok po kayo, lumalamig na po dito e." Dagdag niya.

Bago pa makalapit si Jeongwoo sa'kin, agad na akong hinarangan ni Kuya.

"Happy birthday Park Jeongwoo. Wala akong regalo, pero sinamahan ko si kapatid na bumili. Special 'yang regalo niya, diba Ribi?" Ngumisi ng mAlAsWa si Kuya kaya nandiri ako.

Kinurot ko sa tagiliran sa Kuya kaya tumabi siya ng kaunti. Nakakainis pero ayos lang.

"Happy birthday Wiwu! Ito nga pala 'yung regalo ko. Walang ambag si Kuya d'yan. Galing lang 'to sa'kin." Bati ko.

"Wiwu? Callsign niyo ba 'yan?" Sabat ni Kuya.

Nahihiya na ako kay Jeongwoo dahil sa kanya. How to unbrother si Dobi?

"Nickname lang. Ang oa mo din minsan Kuya." Sagot ko.

"Thank you. Bubuksan ko 'to mamaya." Tugon ni Jeongwoo. Napansin kong nakayuko lang ang ulo ni Jeongwoo at sa regalo lang siya nakatingin.

May ginawa na naman ba ako-

 ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz