53

597 32 0
                                    


Nasa tabi lang ng subdivision ang Seven Eleven. By 'tabi' means, four-minute walk. Malayo pa din ng kaunti.

"Ang saya ko ngayon." Panimula ko nang nagsimula na kaming maglakad ni Jeongwoo. Napatingin siya sa'kin.

"Kinausap ni Kuya si Papa kagabi, nang hindi pabalang o pagalit! Improvement!" Tumalon ako ng kaunti sa saya. Nagulat naman si Jeongwoo sa mga narinig niya.

"Buti naman. Laging nabanggit ng Mama mo 'yung nararamdaman ng Kuya mo sa Papa mo e. Nagkuwentuhan kasi sila ni Mama dati tapos narinig ko." Chismoso ka pala ha.

"Kaya dapat ilibre mo ako. Masaya ka e." Biro niya.

"E magiging malungkot ako n'yan 'pag nagkataon." Sagot ko.

"Hoy, sabi mo ite-treat mo ako!" Sigaw niya nang mahinahon.

"Wala ha. Wala akong naaalala."






Bumili kami ng mga chocolates, bumili na din ako ng mga junk foods, in case magtampo si Kuya.

Nang nakapasok na kami sa subdivision para umuwi, biglang hinawakan ni Jeongwoo ang kaliwang kamay ko, kung saan wala akong dala.

"Pro-protektahan kita na parang ako ang Kuya at Papa mo." Akala ko nagseseryoso siya, pero tumawa siya ng kaunti nang matapos niya ang sinabi niya.

"Ano ka? Guwardiya?" Biro ko pabalik.

"Guardian angel mo. Ayos ba?" Ngumiti siya.

"Hindi bagay sa'yo ang magpa-cute. Ang sagwa tignan." Tugon ko.

 ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」Where stories live. Discover now