Epilogue.

801 38 9
                                    


2 months later.

Mag-a-alas sais na pero ngayon pa lang ako makakauwi. Naging abala kasi ang student council sa paglilinis at pagde-decorate ng stage para sa gagawin next week. Magpapasko na kasi at gagawa ng fundraising ang school namin para makatulong sa mga streetchildren.

Hindi din ako masusundo ni Papa ngayon. Dahil magpapasko na, kailangan nilang mag-overtime ng kaunti sa trabaho. Nakakainis.

Pero okay lang, atleast nandito si Jeongwoo para samahan at bantayan ako palagi. Ang personal guwardiya ko. Sinabihan kasi siya nina Papa at Kuya dati na siya ang mag-aalaga sa'kin dito sa school, kaya ako din ang mag-aalaga sa kanya bilang sukli.

Tsaka oo, we just celebrated our first monthsary last week. Nag-ice cream lang kami noon at kumain ng kaunti sa labas. 'Yon lang.

Marami din akong nalaman tungkol kay Jeongwoo. Ang ligalig din pala niya at ang daldal minsan, pero parang hindi minsan e. Ang isip-bata din, kaya hindi ko alam kung ba't niya ako niligawan in the first place.

Hindi naman namin minamadali ang panahon, puwede kaming maging isip-bata basta ilagay lang namin sa lugar at mag-isip pa din ng tama sa lahat ng oras.

"Umuwi ka na. Hinahanap ka na ng Mama mo ngayon." Sambit ko kay Jeongwoo nang makalabas na kami sa school. Finally.

"E dapat makauwi ka muna. Sinabihan ko naman na si Mama. Basta Seven PM dapat pauwi na daw ako o nakauwi na." Tugon niya.

Biglang naputol ang usapan namin nang marinig ko ang tiyan ko. Oo nga pala, walang meryenda sa student council kanina kaya ginutom ako doon sa pagod.

"Mag-seven eleven kaya muna tayo? Baka hindi mo na kayanin 'yang gutom mo. Mahirap na." Suhestiyon ni Jeongwoo kaya pumunta muna kami sa Seven Eleven na three minute walk lang sa school.

"'Wag puro junk foods ha? Tsaka itong chocolate na din. Nakakapawi 'yan ng gutom." Sabi niya nang naglagay siya ng dalawang chocolate bars sa basket.

"Ano ka? Tatay ko?" Biro kong tugon.

Napabuntong-hininga naman siya, "Hindi. Pero boyfriend mo ako. Ako ang sisisihin ni Kuya Doyoung kapag nagkasakit ka."

Nagkukuya na din pala siya kay Kuya. Yak.




"Ako na ang magbabayad." Sabi niya nang nakapila na kami sa cashier.

"You just treated me yesterday. Ako na ang magbabayad. Hindi porket niligawan mo ako ay ikaw na ang gagastos sa lahat ng mga gusto ko." Sagot ko. Natakot akong gamitin ang term na 'boyfriend' kasi nasa public place kami.

"Basta sa susunod ha?" Tumango ako at nginitian siya.


Nang makalabas na kami sa tindahan, agad kaming pumunta sa gilid para makapag-abang ng taxi. Wala pang masyadong dumadaan kaya naghintay muna kami.

"Ree." Agad akong tumingala ako ng kaunti para tignan ang mukha niya.

"I love you." Sa hindi inaasahang pagkakataon, ngumiti ako.

"I love you too. Now stop being like that. Ang babata pa natin." Sambit ko. Hinding hindi ako magsasawa ipaalala sa kanya na bata pa kami, na ang dami pa naming kailangang gawin para mapatunayan na kami talaga ang para sa isa't isa.

"I'll stop, pero pagbigyan mo muna ako." Tatanungin ko sana siya kung saan ko siya pagbibigyan nang inilapit niya ang mukha niya sa mukha ko.

Hindi kami nag-kiss. Nagkadikit lang ang mga lips namin ng ilang segundo at agad naman siyang umatras.

'Yon lang. First kiss ko lang naman 'yon. No big deal.

"Jeongwoo! First kiss ko 'yon ba't mo ako hinalikan?!" Sigaw ko sabay hampas sa kanya ng dala-dala kong plastic na may mga lamang pagkain.

"Sorry! Tsaka peck lang naman 'yon. I'm sorry." Pinigilan ko naman ang sarili kong matawa sa reaksyon niya. HAHAHAH. Akala niya galit ako?

"Joke lang. Pero 'wag mo na 'yon uulitin ha? 'Yung second kiss, sa anniversary na natin 'yon makukuha." Sabi ko habang kinukurot ang kaliwang pisngi niya.

"E ang layo pa-" Sinampal ko siya sa parehas na pisngi at sinamaan siya ng tingin.

"Gusto mo bang paglayuin tayo ng mga magulang natin ha?" Banta ko.

"Joke lang din kasi. I love you, kahit hindi muna tayo magki-kiss." Ngumuso siya kaya natawa naman ako.

"I love you too, kahit ang cringey nating dalawa ngayon."





"

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
 ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」Where stories live. Discover now