37

623 31 1
                                    


Napalunok ako ng laway nang makita ko si Jeongwoo sa harapan ng gate. Alam niya ang sasakyan na sinasakyan ko e, kaya malamang alam na din niya na nandito na ako.

"Makinig lagi sa teacher ha?" Tumango ako kay Papa. Hinalikan niya ako sa noo at nagpaalam na ako.

Lumabas na ako sa sasakyan at bumungad sa'kin ang nakangiti at nakakaway na Jeongwoo.

"Diba sabi ko na 'wag mo muna akong susunduin?" Mahinahon kong tanong.

"E akala ko 'I guess so' 'yung sinabi mo."

Maya-maya, narinig kong bumukas ang bintana ng sasakyan namin, na nasa likod ko lang.

"Anak, di ka pa ba papasok?" Halos sigaw ni Papa sa'kin. Naramdaman kong umusog si Jeongwoo sa kinakatayuan niya para makita si Papa.

"Papasok na po. I love you!"

"I love you too. Magpakabait ka."

"Kamukhang kamukha niya ang Kuya mo. Mukha siyang 25 years older na Doyoung." Sambit ni Jeongwoo nang nagsimula na kaming maglakad papunta sa mga classroom namin.

"Grabe ka. Hindi ka man lang nagku-kuya," sabi ko.

"E bakit? Magiging Kuya-in-law ko ba 'yon if ever?" Hindi ako nakasagot at nagpatuloy na lang sa paglalakad.

Weirdo. Hindi lang naka-score kay Rae dito naman magsisisipsip sa'kin.

 ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon