58

602 36 9
                                    


Sa pagmamadali ko, hindi ko na masyadong nilinis ang classroom at tumakbo na ng mabilis papunta sa labas ng school.

First time ata ni Kuya na makapunta dito sa school namin. Ang cute lang kasi hinihintay niya ako sa labas.

Sinabihan ko na din si Papa na 'wag akong sunduin dahil lalabas kami ni Kuya.

"Kuya Dobs, ilang minuto ka pa lang atang naghihintay pero mukhang inip na inip ka na!" Bati ko.

Sinamaan niya ako ng tingin, "Ang tagal mo kaya. Baka pagdating natin sa mall sarado na 'yon." Hinawakan na niya ang kamay ko at nagsimula na siyang pumara ng taxi para sa'min.





"Anong bibilhin mo para sa kanya? Puso mo? E diba nakuha na niya- Aray!" Reklamo ni Kuya nang bigla kong pinalo ang tiyan niya habang nakasakay kami sa taxi.

"Ba't gan'yan kayo kung makapang-asar? Nakita niyo ba kami ni Jeongwoo na sweet sa isa't isa? Hindi naman diba?" Tanong ko.

"E ba't ka galit?" Huminga ako ng malalim sa narinig ko kay Kuya. Hindi pwedeng galit lang dahil nakakairita na sila?

"Si Jeongwoo kasi 'yung ano. Lalaking naging close mo tapos basta- 'yung hindi natin masyadong kilala ewan. Basta bagay kayo. 'Yon. Hindi ko kasi mapaliwanag."

"Ang gulo mo Kuya. 'Pag ako talaga nagka-crush kay Jeongwoo dahil sa inyo, ewan ko na."

"Eh bakit? Hindi pa ba?"






Pumunta kami ni Kuya sa isang tindahan kung saan mga teddy bears ang tinda. Ang dadaming mga cute, ang daming masasarap yakapin.

"What cute stuff do you remember when you think of him?" Biglang tanong ni Kuya habang naglilibot-libot sa malaking shop.

"I don't know. Something brown siguro. 'Yon naman ang kulay niya." Kumunot ang noo ko nang natawa si Kuya. Maputi kasi.

"Itong brown bear? Baka magustuhan niya?" Suhestiyon niya. Napatingin ako sa hawak-hawak niyang stuffed toy. Cute pero baka hindi niya magustuhan?

Napansin ni Kuya na hindi ko masyadong nagustuhan 'yon kaya naghanap pa siya ng iba.

"Ito kaya? Brown puppy. Kamukha niya 'to at some point." Inagaw ko sa kanya ang puppy na 'yon.

"Hindi kaya. Pero ang cute nito." Tinamad na din kasi akong pumunta sa iba pang mga tindahan, gusto ko na masimulan ang date namin ni Kuya.

"Akin na din 'yang brown bear kanina. Bibilhin ko na din." Sambit ko kay Kuya. Naguluhan siya pero binigay naman niya 'to sa'kin.

"Dalawa ibibigay mo? Gan'on mo na ba siya ka-crush?" Biro niya.

"Oo crush ko siya pero para sa'kin 'tong be-"

Ano? Crush ko si Jeongwoo?

 ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」Where stories live. Discover now