64

687 34 3
                                    


"Ang cute naman. Magkano 'to?"

"Aba? Regalo 'yan. Hindi mo dapat tinatanong ang presyo!" Sagot ko nang mabuksan niya na ang regalong binigay ko sa kanya.

"Hindi pa ako nagkakaroon ng aso dati. Puwede na siguro 'to." Sambit niya habang kinukurot ang mga pisngi ng stuff toy.

Kami na lang dalawa ang nandito. Hindi ko alam kung ba't ang tagal nila Yura. Nang-aasar ata sila.

"Tsaka sabi ni Doyoung kakulay ko daw 'yung regalo mo. Ganito na ba ako ka-brown?" Tumawa naman ako sa tanong niya.

"Hindi. Ang cute kaya. May kakulay kang cute."

"Kaya cute din ako?"

"Hindi."

Bigla kaming natahimik. Wala man lang siyang sinagot sa sinabi ko.

"Alam mo ba," Tinignan ko siya.

Nararamdaman kong ang awkward na ng sitwasyon namin. Ba't wala pa kasi sila Yura. Ba't hindi pa sila bumabalik.

"May ano,"

"Ano?" Tanong ko.

"May crush ako."

Nagsimula ang kaba at takot ko. Ito ba 'yung sinasabi ni Won kanina? Ito din ba 'yung sinabi niya kaninang hapon na mag-iipon siya ng lakas?

"Kay Rae?" Ang lamig dito, giniginaw na ako. Nanginginig na ang mga kamay ko.

Tumawa siya ng kaunti. Nakatingin pa rin siya sa asong binigay ko. Magkatabi kami kaya ramdam ko ang tuhod niyang nakadikit sa tuhod ko. Ang lamig na ng kaliwang tuhod niya, pwede nang ipanglaban sa fridge.

"She crushed me, and I found someone better. I guess you were right. Nasaktan ako sa sinabi ni Rae kaya kay Ree naman ako ngayon."

Kay Ree? Ako?

"Alam kong ang pangit pakinggan dahil mukhang nagustuhan kita pagtapos ng pagkagusto ko sa kanya." Tumawa siya ng kaunti.

"Okay lang naman. Bata pa naman tayo Jeongwoo. Kaya malamang infatuation lang din ang nararamdaman mo sa'kin." Tugon ko.

"Pero tutal umamin ka. Aamin na din ako. Crush kita. Although you crushed my soul when you asked me if I have a crush on Haruto."

"Mukhang crush mo pa naman siya hanggang ngayon e!"

"Hindi ha. May Jeongwoo pa ako. Liligawan nga ako ng Park Jeongwoo na 'yon. Tapos siyempre, magpapakipot muna ako!"

"Hoy hindi ko naman sinabing manli-- Pero sige. Manliligaw ako."

Sinamaan ko siya ng tingin. "Si Ree ang liligawan ha? Hindi si Rae." Banta ko.

"Opo. Kahit asawa mo na si Junghwan."

"Aba Jeongwoo!" Kinuha ko ang stuffed toy na nasa mga binti niya at tinapon ito sa kanya.

 ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang