32

638 32 2
                                    


Naka-shorts lang ako at hindi pa nga kami nakakalabas sa gate, pinapapak na ako ng mga lamok.

Malamok pala talaga dito sa subdivision.

"Ayan. Mag-shorts ka pa." Asar ni Yura.

"E ito lang 'yung madaling isuot e!" Pagdadahilan ko.

"Magbihis ka, baka mas lalo kang makagat kina Junghwan." Sambit ni Jeongwoo.

"'Wag na. Mabilis lang naman tayo." Ngiti ko at lumabas na kami sa gate.



"Ang lamig. Baka ginawin 'yang mga binti mo." Pagbasag ni Jeongwoo sa katahimikan. Nasa kanto na kami ng bahay ni Junghwan, kaunting lakad na lang ay dadating na kami.

"Okay lang. Nag-e-aircon nga ako tapos hindi nagkukumot." Sagot ko.

"Ang sweet niyo naman. Pwede na kayong magligawan." Mas nilapitan ko si Yura at kinurot ko ang tagiliran niya.

"Aray naman!"

"Pero mukhang hindi din pala kayo bagay, may mga Haruto at Rae na kayo e." Ani ni Yura.

Nagkatinginan kami ni Jeongwoo, hindi man lang kami nagngitian.

 ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」Where stories live. Discover now