16

737 33 19
                                    


Sinamahan ko si Jeongwoo na sunduin ang mga kapatid niya. Hindi naman masyadong malayo 'yung eskuwelahan nila sa eskuwelahan namin. Isang sakay lang ng tricycle, nand'on na kami.

Mabuti na lang at may malapit na tindahan ng mga matatamis na pagkain doon. Kaya doon na lang kami nagpunta.

May mga ice cream, mga cute na pastries, at milktea pa. Hinanda ko naman ang ipon ko para dito, para makabawi kay Jeongwoo.

"'Yung rocky road na small 'yung sa'kin." Sambit ni Jeongwoo. Ang cute naman ng shop na 'to, may pa-menu pa.

"Ang mura niyan. Tsaka hindi ka pa ba nagsasawa sa rocky road?" Bulong ko sa kanya. Nasa tapat namin ang mga kapatid niyang nakapili na din ng brownies at ice cream.

"Eh 'yun lang 'yung gusto kong kainin." Pagdadahilan niya.

"Dalawang small sized brownies, isang medium sized vanilla ice cream, isang medium sized strawberry ice cream, at isang medium sized chocolate na din po. Tsaka isang medium sized rocky road ice cream po." Sabi ko sa counter sabay balik sa menu na binigay kanina.

Naiwan sina Jeongwoo, Jass, at Jess sa table namin at ako ang nag-order tutal ako naman ang magbabayad.

"Ba't ang laki nito?" Reklamo ni Jeongwoo. Natawa ako ng kaunti, "Sorry. Hindi daw available 'yung small sized e."

"Sorry nga pala. Dapat walang nakaalam sa sikreto mo e. I'm sorry." Bulong ko. Nagbibiruan kasi sina Jass at Jess sa harapan namin kaya alam kong kami lang ang makakarinig ng pinag-uusapan namin.

"Okay lang. Sorry din kung nasigawan kita. Nagalit kasi ako noon. Hindi dapat ako gan'on. I'm sorry."

Ngumiti ako sabay subo ng chocolate ice cream ko.

"Balita ko, m-in-essage mo daw si Haruto? Kinilig ka 'no?" Tumingin siya sa'kin at ngumiti na parang engot.

"Yak. Tsaka m-in-essage ko 'yon dahil sa'yo."

"Yak ka d'yan. Hindi ko maubos 'tong ice cream. Ba't kasi medium. Kainin mo." Utos niya at nilapag niya sa harapan ko ang ice cream niyang nakakahalati pa lang niya.

Naubos ko naman na ang ice cream ko, at biyaya na din ang makatanggap ng pagkain. Kaya nilagay ko ang kutsara niya sa cup kong wala nang laman at ginamit ang kutsara ko para kainin 'yung tira niya.

"Nagmumukha akong aso dahil dito."

"Asong cute, oo."

 ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」Où les histoires vivent. Découvrez maintenant