50

609 36 9
                                    


Naging tahimik ang hapagkainan nang nagsimula na kaming kumain. Hindi pa namin naranasan ang maging ganito kapag kaming tatlo lang, e ngayon, andito na si Papa.

Nawala lang ang nakakabinging katahimikan nang nagsimulang magkuwentuhan sina Mama at Papa tungkol sa mga trabaho nila.

Tinignan ko si Kuya, hindi naman siya nakasimangot, at hindi ko naman masasabing masaya siya. Naguguluhan ako sa'yo Kuya Dobi.


Nang pauwi na si Papa, sinundan siya ni Kuya sa labas ng gate. Ako naman, piniling manatili sa pintuan at magtago doon.

"Dalaw ka dito paminsan-minsan Pa. Mahirap na, kuwento sa'kin ni Junghwan na baka nagliligawan na si Ree at 'yung batchmate niyang kapitbahay lang namin dito."

 ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」حيث تعيش القصص. اكتشف الآن