14

738 28 16
                                    


Nagsitigil sila sa paglalaro at mukhang naaliw naman sila dahil dumating ako. Marami palang kalaro si Kuya. Sina Jeongwoo, ang kambal niyang kapatid na sina Jass at Jess, at si Won, na kaedad lang din pala namin.

Dahil walang tao sa bahay, inimbita nina Kuya silang lahat na magmeryenda muna sa loob. Medyo nagsawa na daw kasi siya sa Rocky Road ice cream sa freezer kaya ipapakain na lang daw niya 'yon.

"Hindi mo man lang sinabi sa'min na may kapatid ka pala, Kuya Dobi." Panimula ni Won habang nilalantakan na ang ice cream niya.

"Hindi naman kayo nagtatanong e. Tsaka ilang beses na kaya siyang nakapunta dito."

"Eh ba't hindi namin siya nakikita?" Tanong ni Jeongwoo na nakatitig sa'kin.

Hindi pa pala niya nare-reply-an 'yung message ko sa kanya. Kaya baka hindi pa din niya ako napapatawad.

"Hindi kasi kayo lumalabas kapag andito ako." Mahina kong sagot. Si Kuya lang ang kilala ko dito ngayon, kaya dapat act normal.

"Tsaka oo nga pala, magkaklase ba kayo?" Tanong ni Kuya. Parehas naman kaming tumanggi, "Magkaiba kami ng section, K'ya."

Nagpatuloy kami sa pagkukuwentuhan. Nagulat nga ako na nakakasabay ang kambal sa'min kahit mga nasa seven years old pa ata sila.

Kahit nagtawanan at nag-asaran na kaming lahat, hindi pa din ako pinapansin ni Jeongwoo.

 ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」Where stories live. Discover now