25

665 30 5
                                    


Hindi ko naman inaayawan ang Lunes dahil ito ang simula ng school days, sadyang ayaw ko siya dahil classroom cleaner ako. Ayos lang sana kung may mga maaayos akong kasama, pero wala e. Kaya alam kong ako na naman ang maglilinis ng lahat.

Mina-minus-an naman daw sila kapag hindi sila naglilinis, pero ba't hindi sila nagtatanda?

Mas okay na ako sa paglilinis at pagde-decorate ng auditorium dahil sa pagiging student council representative ko kaysa dito.

Nilagay ko muna ang mga upuan sa gilid at nagpulot ng mga malalaking basura gaya ng papel. Ang lalaki na ng mga kaklase ko pero ang kakalat pa din na parang kindergarten.

Palagi akong tinutulungan ni Yura o hindi kaya ni Junghwan kapag mag-isa lang akong naglilinis e, pero wala sila ngayon.

Naalala kong nagpapractice pala sina Junghwan at ang mga kagrupo niya sa roleplay na gagawin nila. Mabuti na lang at pinapili kami ni Ms. Gong, kung reporting o roleplay ang gagawin namin sa English subject niya.

Doon ko naalala, baka nakipagkita si Yura sa mga groupmates niya sa reporting.

Gusto ko na lang mahiga sa sahig, pero naalala ko, madumi pala. Napakadumi.

Hindi pa ako nakakapagsimula nang may biglang kumatok sa pintuan. Kumatok pa siya e bukas naman 'yon.

"Wala dito si Haruto." Panimula ko, agad naman siyang ngumisi ng kaunti.

"Hindi naman si Haruto 'yung hanap ko," Umupo siya sa teacher's table kahit alam naman ata niyang bawal 'yon.

"Ayoko pa umuwi e. Kaya sumama muna ako sa mga kaklase ko sa room, mukhang nadi-distract ko sila kaya sabi ni Yura tulungan muna kita dito. Mukhang galit na nga siya sa'kin kasi hindi makapag-focus 'yung group niya e."

Natawa naman ako ng kaunti sa sagot niya at hinayaan na lang siyang tumulong.

 ᴄʀᴜsʜᴇᴅ 「 ᴘᴀʀᴋ ᴊᴇᴏɴɢᴡᴏᴏ 」Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon