Kabanata 1

188 8 8
                                    

EPISODE 1: Goodbye to the Outside World, Ayeng!

MAHIGPIT ang pagkakahawak ko sa aking maleta, nasa labas na ako ng bahay at nasa tapat na ng pinto ng aming bahay. Bumuntong-hininga ako nang malalim, wala na talagang atrasan ito, diz is it! Nakapirma na ako ng kontrata kay Mr. Philip at susunduin na lang niya ako sa kanto dito sa street namin.

Hindi naman niya kasi puwedeng ipasok pa sa loob ng compund namin ang sasakyan niya dahil hindi naman ito magkakasya sa masikip, makipot at magulo naming street. Nahihiya pa nga akong lumabas dahil alam kong pagtitinginan kami.

Sa wakas, isang dukha sa Tabing Ilog Compound ang makakatakas sa kahirapan, mapapa sana all nalang talaga ang lahat. Ni wala silang ideya na katulong lamang ang inapplyan kong trabaho, siguro iniisip nila bakit nakamaleta pa ako kung pwede namang bag.

Para sa kaalaman nila, si Mr. Philip ang bumili ng mamahaling maleta na ito at wala rin akong ideya na bibilhan niya ako nito. Kaunti lang naman ang mga damit ko, sapat na ang bag kong ginagamit ngayon sa school para madala lahat ng mga masusuot ko.

"Natawag na si Mr. Philip, nak! Mag-iingat ka dun ah, akin na yang maleta mo ako na ang magdadala." Nagkusa si itay na kunin ang maleta ko at nagsimula nang maglakad papunta sa kanto kung saan kikitain namin si Mr. Philip.

Nakakatampo rin ito si itay, akala mo mag-aabroad ang anak, nang una 'di naman siya ganyan, tutol pa nga siya sa plano ko dahil baka mapahamak daw ako, baka kung ano ang mangyari sa akin, wala raw magbabantay sa akin doon at hindi niya makikita kung napapaano na ako.

Pero... ngayon? Eksayted na ang person na ihatid ako, ang ganda pa ng ngiti habang sinasalubong ang mga kakilala niyang mga kapit-bahay namin na ngayon lang nagkaroon ng pakialam sa 'min.

Ang nakakabuwiset pa, may biglang tuko na kumapit sa braso ko, feeling close na agad ang person na ito, ang akala niya siguro nakalimot na ako sa ginawa niyang pamamahiya kay itay noon.

"Ang kapit ah, Aling Kuting, close na pala tayo? 'Di ako na-inform? Ang bait mo pala," naparolyo ako ng mga mata ko, kung pwede ko lang tirisin ang person na 'to, ginawa ko na, ginigigil niya ko.

"Aling Kuting, ayaw po sha 'yo ni ate, shalbahe ka po, pinahiya niyo po shi tatay, galit pa kami sha 'yo! Ayaw namin sha mga bad pershon," Natawa ako sa narinig kong mga salita mula sa bunso kong kapatid.

Ang honest niya 'di ba? Dasurb ni Aling Kuting 'yan, 'di lang nakabayad si itay sa inutang niyang tatlong sardinas at dalawang kilos bigas pinahiya na niya ito sa harap ng maraming tao. Tapos ngayon biglang susulpot na parang anlapit-lapit namin sa isa't isa.

Shabi ko sha 'yo, Aling Kuting, gigigil mo ko, parang lasheng lang me magsalita. Ba't kapag ako na naging bulol sa letrang 's' 'di na siya gano'n ka-cute? Sabagay, hindi naman kasi talaga ako kasing cute ni Cardo o ng bunso kong kapatid. Shuko na me.

Sa edad na limang taong gulang tuwid na magsalita ang kapatid ko na 'yan, para nga lang si Cardo Dalisay na bulol sa 's' with matching labas dila, char. Ipinangalan ni itay sa paborito niyang bidang karakter noon sa sikat na palabas na 'Ang Probinsiyano,' walang laktaw na pinalampas noon ang itay ko sa bawat episode niyan, kung pwede lang sanang bigyan siya ng certificate ginawa ko na, 'Best in Perfect Attendance.'

"Huy hindi ah, ang bait-bait ko kaya sa itay mo at isang beses lang naman nangyari 'yon, ikaw talaga ang cute-cute mo." Madiin nitong pinisil ang matabang pisngi ng kapatid ko.

Power of Seven Where stories live. Discover now