Kabanata 8

70 7 3
                                    

EPISODE 8: Ang Mga Tipong Musika ni Ash Milford



KINALAS niya ang kanang kamay na nakasandal malapit sa ulo ko, bahagyang lumayo na rin siya sa akin, ipinasok nito ang mga kamay sa bulsa ng kanyang suot na jeans na pantalon, kaya nakapamulsa itong nakataas noo na tiningnan ako mula ulo hanggang paa.



Ano ba klaseng trip 'to? Sinusubukan ba niya kung hanggang saan ang tapang ko sa paninindak niya? Kahit kailan ang lalaking 'to, napaka sanggano talaga, pati babae inaangasan, kung titigan pa ako akala mo ako na ang pinaka mababang nilalang sa buong mundo, anlakas naman kumain ng mga niluto ko.


Umismid siya at umiling-iling na naglakad palayo sa akin at tuluyan nang tinalikuran ako hanggang makalabas siya sa kusina, napangiwi ako. Napakapit na lang ako sa aking dibdib, grabe talaga ang kaba ko kanina, 'yung sanggano na 'yon, nakakatakot talaga siya. 


Binalikan ko ulit ang mga hugasan ko, ayaw kong isipin masyado ang ginawa sa akin ng sanggano na 'yon, mas mainam na kalimutan ko na lang at magpanggap na walang nangyari. Ayokong makipagtalo sa lalaking 'yon at iyon ang mahigpit na paalala sa akin ni Mr. Philip na dapat kong sundin.


Ako'y nahihirapan
'di ko alam kung ano ang nararamdaman
Sa isang tulad mo na simple lamang
Hindi ko alam
Nahulog na ko sa 'yo
Baliw na sa 'yo

Paglabas ko ng kusina ay agad akong dumiretso sa sala upang magpahinga sana, kaso naabutan ko si Ash na kumakanta habang nagii-strum ng kanyang gitara. Hindi niya namalayan ang pagdating ko dahil bahagya talaga akong tumigil para pakinggan siyang umawit. Hindi ko inaasahan na malamig pala ang boses niya, infairness, may singer sa loob ng mansyon at gwapo pa.


"Wow, ang ganda ng boses mo sir, sarili mong gawa na kanta 'yon?" Bungad kong sabi nang magtama ang aming paningin.


Nginitian niya ako, "Huwag mo na akong tawaging sir, Ash na lang." Sumenyas itong umupo raw ako malapit sa tabi niya, "Nandiyan ka pala hindi ko napansin, mag-isa lang kasi ako kanina rito bago ka dumating, abala kasi silang lahat sa kani-kanilang ginagawa. Oo nga pala 'yung tanong mo, yeah, it's my own my composition. Did you like it?"



Nakasuot na naman siya ng supreme na brand, kasalukuyan siyang may suot na hoodie-jacket na itim at parehas din ng kulay ng kanyang short. Naalala ko ang sabi sa akin ni Ethan tungkol sa kanya na maganda ang boses ng lalaking ito at hindi nga siya nagsisinungaling tungkol doon.


"Syempre naman, kahit sino naman yata ang makarinig ng ganyan kalamig na boses, magugustuhan nila 'yon, 'di ba?" ngumiti siya ng tipid at umiling siya.


"Maliban kay mom at dad ko... na iba ang career na gustong ipatahak sa akin, mas gusto nilang pagtuunan ko ng pansin ang pagpapatakbo ng kanilang kumpanya kaysa sa pangarap ng nag-iisa nilang anak," malungkot na pag-amin nito.



Parang nabasa ko na sa wattpad dati 'yung mga ganitong problema ng mga anak ng mga mayayaman, palagi silang tutol sa kagustuhan at pangarap na gustong abutin ng kanilang mga anak. Ang mas gusto nila ay kung ano ang itinakda nila para sa mga ito at iyon dapat ang susundin ng mga anak nila, parang mga sira, di ba? Parang hindi mga nag-grade two, ayaw na lang maging masaya sa mga anak nila, char.



"Subukan mo nalang ulit na kumbinsihin silang ipagpatuloy ang pangarap mo, susundin mo naman ang utos nila kung sakaling hindi magtagumpay ang karera na gusto mong tahakin. 'Di ba, parang suntok din naman sa buwan ang makilala bilang isang sikat na singer sa bansa?" Namilog ang mga mata niya, hindi ko alam kung na-offend ba siya sa mga sinabi ko, kung nasaktan man siya. Eh, 'di sorry, sinabi ko lang naman kung ano laman ng isip ko.



Power of Seven Where stories live. Discover now