Kabanata 2

128 9 4
                                    

EPISODE 2: Let's Welcome Our New Housemate of Mr. Philip, Ayeng Dela Cruz!




NAKAKAPANIBAGO, iyan agad ang unang sumagi sa isip ko nang maramdaman ko ang malambot na sahig na kasalukuyang hinihigaan ko, ibang-iba sa nakasanayan kong matigas na banig na tulugan naming magpapamilya. Ayaw ko pang idilat ang mga mata ko, ayokong mabigla sa mga maaaring mangyari.

Pakiramdam ko, nasa loob na ko ng Mansyon, nangangatog na nga ako sa lamig dahil sa aircon na siyang nakatutok sa akin, hindi man lang ako binigyan ng kumot ni Mr. Philip o ng dalawang mukhang kuto man lang niyang bodyguard. Kahit kailan, wala talagang maginoo sa pamilya nila.

Umunat ako, may nakapa ang mga paa kong tela, may kumot naman pala, ang akala ko basta iniwan na lang nila akong inihiga dito at basta nalang din itinapon kung saan man ako kasalukuyang nakahiga ngayon. May nakapa ang pisngi ko na basa, napangiwi ako, bakit kasi pataob nila akong hiniga? Malamang, dadaloy talaga ang Niagra Falls. Nakakahiya, ka-babae ko pa man din tao pero grabe maglaway.

Kinusot ko ang mga mata ko, bumuntong-hininga at nagbilang hanggang tatlo. Nilakasan ko na ang loob kong imulat ang mga mata ko, bahagyang nasilaw pa ako sa kumikinang na palamuti sa kisame. Napanganga na lang ako sa bagay na 'yon, sobrang ganda ng chandelier na nakasabit, alam mong mga mayayaman agad ang nakatira sa loob.

May tatlong klaseng chandelier na nakasabit sa kisame, ang pinakamalaki ang nasa gitna habang nasa dalawang gilid ang pinaliit na bersyon nito, andaming bumbilya ng chandelier, kamag-anak siguro ni Mr. Philip ang may-ari ng Meralco.

Inilibot ko ang aking paningin sa paligid, ang buong akala ko ay nakahiga ako sa malambot na kama, nasa sofa lang pala ako; sa isang malaking sofa na may pormang letrang 'c' pero naka-stroke ang dulo.

Sa harap ko may malaking T.V. at set ng mga cd's, speaker, PSP at mukhang pinaka-latest version pa ng Xbox Series, kung nakikita lang ito ni Cardo malamang matutuwa iyon, pangarap pa naman ng batang 'yon kahit makalaro lang ng PSP.

Lumingon ako sa kaliwang bahagi ko, nakita ko ang isang malaking hagdan, may pangalawang palapag pala ang mansyon. Sa palagay ko'y doon natutulog ang mga alaga ko o mga amo ko, hindi na pala sila mga bata para tawaging 'alaga,' ang weird palang sabihin o pakinggan.

Makintab at kumikinang ang sahig, mukhang yari pa sa pinakamahal na uri ng tiles; ang marmol, kung tutuusin para nga akong nasa Hotel, sobrang liwanang pa sa loob dahil nakabukas ang lahat ng ilaw, sinabayan pa ng magarang chandelier.

Nagsimula nang humakbang ang mga paa ko, dumampi sa mga talampakan ko ang malamig na tela ng carpet, hinanap ko ang tsinelas kong suot pero tanging bagahe ko lamang ang nakita ng mga mata ko. Nakatabi ito sa isang sulok, sa gilid ng dulo ng sofa.

Napaposte ako ng tayo nang makita ang labas ng mansyon, hatinggabi na pala, kaya ganoon nalang ang pagkalam ng sikmura ko, nagugutom na ako, pero mas nananaig ang kuryosidad ko dahil sa mga nakikita ko.

Tumagos ang paningin ko dahil transparent na gawa sa salamin ang haligi at pinaka-main-door ng Mansyon. Kaya kitang-kita ko ang malaking swimming pool sa labas, mga halaman, upuan, mesa at ilan mga gamit pang work-out.

Naglakad ako palabas ng lobby, sumalubong sa akin ang nagtataasang pader na nakapalibot sa lugar, walang tarangkahan palabas ng Mansyon, kaya pala matindi ang paalala at pagbibigay ng babala sa akin ni Mr. Philip na kailangan ay maging maingat ako kapag nasa loob na ako ng bahay.

Power of Seven Where stories live. Discover now