Kabanata 5

96 8 3
                                    

EPISODE 5: Ang Kakaibang Nobya ni Ethan Hawker



MAKALIPAS ang tatlong araw na pananatili ko sa mansyon ay naging maayos naman sa akin ang lahat, bahagyang nakakasanayan ko nang manatili sa loob. May mga pagkakataon nga lang talaga na inaatake ng kapilyuhan si Tyron at madalas akong pikunin at asarin pero napapalampas ko naman.

Ang ayoko lang minsan ay kapag nagsasanib pwersa ng superpowers si Jazerou at Tyron ay parang sasabog na ako sa inis, hindi ko napipigilan na 'di makapagtimpi at napapatulan ko sila. Mahirap din talaga silang iwasan, paminsan-minsan.

May napapansin nga lang ako nitong mga nagdaang araw, palaging nakaabang si Darrex kapag oras na ng kainan, bigla ko tuloy naalala ang kinuwento sa akin ni Ethan tungkol sa mga araw na pananatili nila dito.

Sinubukan daw nilang magluto, unang sumubok ay si Ethan, nagluto ito ng hotdog pero nasunog niya lang ito. Sumunod si Ash na naging kulay itim ang nilutong pritong itlog. Sinubukan naman na magluto ng tinola ni Darrex pero tinolang asin ang naging lasa, madugo-dugo pa raw ang karne na sinerve sa kanila ng araw na 'yon.

Nagdress ako ngayong araw kaso nilait lang ako ni Tyron at sinabihan akong manang, minsan talaga ang bibig ng lalaking iyon sarap tahiin, kapag talaga ako hindi nakapagtimpi sa demonyong 'yon, makakatikim siya ng malaking bukol sa ulo.


Ayokong sirain niya ang araw ko ngayon, sayang naman itong kulay pulang plain dress na binili ko pa sa Baclaran, sakto lang naman sa akin ang sukat. Nagpaganda talaga ako kasi itu-tour ako ni Ethan sa paborito niyang lugar; ang library. Syempre, kailangan maganda ako, feeling ko kasi parang niyayaya na rin niya akong makipag-date, tutal bet ko naman siya, willing na ako magpa-mine, char.

Alas diyes na ng umaga, tapos na silang mag-almusal kapag ganitong oras, maya maya yayayain na ako ni Ethan na itour ako sa favorite niyang place, 'di ko talaga mapigilan na hindi ma-excite, lalo na't walang araw na hindi siya nakaporma. Matchy-matchy pa kami ngayon, nakasuot din kasi siya ng pulang jacket.

Feeling ko talaga baka meant to be kami sa isa't isa, malay mo naman 'di ba?


"Nagsusuot din pala ng pulang dress ang mga butiki?" nangungulangot na biglang bungad ng kanyang mukha na si Tyron.

Labing-anim na taong gulang na ang lalaking ito, siya ang pinakabata pero kahit ganoon ay minsan mahirap talaga palampasin ang mga panlalait niya sa akin, balak pa yatang manira ng araw.

"Atlis 'di bansot," ngumiti ako na parang inabsorb ko lang ang panlalait niya sa akin.

Kumunot ang noo nito, nagsalubong ang kilay at napahawak sa ilalim ng kanyang baba, kiniling ang leeg at parang nag-isip. Mahirap itanggi na gwapo ang lalaking 'to, siya pa ang may pinakamaliit na mukha sa kanilang lahat, mahaba at makapal din ang mga pilikmata niya, mapula ang labi at matangos ang ilong. Puro naman daw ang mga magulang nito ayon sa impormasyon na natanggap ko mula kay Ethan. Siguro, nalahian lang ng dugong Kastila ang pamilya nila kaya maputi ang binatang ito.


"What is bansot?" medyo cute pa niyang pagkakasabi hindi mo aakalain na may sungay pala itong itinatago.


"Unano, pandak, duwende, maliit, small, tiny at ikaw 'yon," Tinurok ko ang aking hintuturo sa kanyang noo at bahagyang tinulak siya palayo sa akin dahil sobrang lapit ng mukha niya sa akin.


Power of Seven Where stories live. Discover now