Kabanata 4

84 8 3
                                    

EPISODE 4: Ang Unang Umaga sa Loob ng Mansyon

IPINAKILALA rin sa akin ni Ethan ang dalawa ko pang makakasama sa bahay, 'yung lalaking kaninang umalis at nagpaalam na pumunta sa kusina ay pinangalanan niyang 'Arthur Velasquez,' ayon sa kanya, mahilig sa alak ang nasabing binata, ito raw ang paraan niya para maibsan ang lungkot na nararamdaman at makalimot na may buhay pa pala sa labas ng mansyon.

Doon ko lang napagtanto na may pinagdadaanan pala silang lahat sa loob, may kanya-kanya silang dalang bagahe sa buhay, kaya ngayon nauunawaan ko na kung bakit ganoon na lang ang ipinakitang asal sa akin ni Tyron, Darrex at Jazerou. Parang hindi na nila alam o nakalimutan na nila kung paano ba makisalamuha ng tama sa iba, gumalang sa babae at makaramdam sa damdamin ng iba.


Iyon pala ang pwedeng mangyari kapag matagal kang naikulong sa iisang lugar? Nawawalan ka ng karanasan sa buhay, makakalimutan mong maging tao at mawawala ang ugnayan mo sa puso ng mga nabubuhay na tao. Nakaramdam ako ng lungkot at simpatya sa kanila, kung alam ko lang sana kung kailan sila makakalabas dito ay sinabi ko na. Bigla tuloy akong natakot para sa sarili ko, paano kung pati ako ay mabulok narin sa loob ng mansyon?


"Hey, bakit napa-sign-of-cross ka?" tanong sa akin ng lalaking may hawak na ukelele.

Siya pala si Ash Milford, pinakilala na rin siya sa akin ni Ethan, ang pagkakalarawan niya sa lalaking ito ay mahilig daw ito sa musika, mahilig gumawa ng sarili niyang kanta, minsan maglaro ng mga iba't ibang instrumento gaya ng piano, violin at marami pang iba. Maganda raw ang boses nito at iyan ang sigurado niya, maririnig ko raw iyon balang araw kasi maya maya raw itong nakanta. Walang pinapalampas na umaga at gabi ang lalaking ito na hindi humuhuni na parang ibon.


"Wala naman, may iniisip lang ako. Ang weird ko ba?" pangiwi akong ngumiti, nakaka-awkward 'di ko alam kung bakit.


"Sakto lang, paano balik na rin ulit ako sa kwarto ko. Pinababa lang talaga kami ni Tyron kanina para makita ang ginagawa niyong dalawa ni Juno," Ngumiti siya at tinalikuran na ako.


Namula ang pisngi ko nang muli niyang ipaalala sa akin ang nangyari, kaming dalawa nalang kasi ang naiwan ngayon sa sala ni Juno, mahimbing na siyang natutulog, nakatulog siya sa pangangatog dahil sa lamig. Nakahinga naman ako nang maluwag dahil mukhang na sa maayos lang siya na kalagayan. Ang akala ko aatakihin pa siya ng lagnat katulad ng mga nasa palabas, hindi naman pala, imagination ko lang talaga ang sumusobra at lumalagpas sa reyalidad.


Kasalukuyan akong kumakain ng noodles with itlog, tutal marami naman silang stock na pagkain ay tatlong pirasong itlog na ang nilaga ko. Sobrang nagutom talaga ako, bukas na lang ako kakain ng kanin, ipagluluto ko naman sila ng almusal bukas, sa ngayon, kailangan ko munang magmuni-muni dito sa sala dahil kagigising ko lang.


Papanoorin ko na lang muna ang bilog na bilog na buwan na siyang sumisilip sa haligi ng mansyon, maganda rin pala ang bahay na gawa sa salamin, kita mo agad ang labas maging ang langit. Sana makabili rin ako ng bahay na ganito para hindi lang ako ang makaranas ng ganitong klaseng buhay, maging ang pamilya ko rin sana, balang araw.


"Tarantado ka Jazerou, kapag nagising 'yan at makita ang mukha niya sa salamin, talagang magwawala 'yan?" Naalimpungatan ako sa mga boses na narinig ko.

"Kamukha naman niya ang dino-drawing ni Jazerou sa pisngi niya, tulo laway pa nga matulog, oh. Akala mo hindi babae. Saan ba ito napulot ni Mr. Philip, sa basurahan?" Pamilyar ang boses sa akin, kung hindi ako nagkakamali kay Darrex galing ang tono ng ganoong pananalita. Matigas at palaging mataas ang boses.


Power of Seven حيث تعيش القصص. اكتشف الآن