Kabanata 6

103 7 7
                                    

EPISODE 6: Ang Feelings ni Juno

NAPANAGINIPAN ko si Sofia kagabi, anino lang siya pero nagkatawang tao, ilan beses niya akong sinampal kaliwa't kanan at pinag-akusahang mang-aagaw, kabit, pilantod at marami pang masasakit na salita.

Pakiramdam ko tuloy ngayong araw ay nagkulang ako sa tulog, maaga pa nagising ang mga person kaya wala na akong magawa kundi imulat na lang ang mga mata ko. Kasalukuyang naliligo ang apat sa swimming pool, sila Jazerou, Ash, Tyron at Darrex, hindi ko alam kung ano ang naisip nila at nagbonding ang mga ito na maligo sa labas ng mansyon.

Napasulyap ako kay Juno na kasalukuyang nakabaluktot at pinapanood lang ang mga kaibigan niyang maligo sa labas, tanging matangos na ilong lang niya ang nakikita ko sa buong mukha niya. Mataas kasi niyang zinipper ang suot nitong hoodie hanggang sa itaas ng labi niya, kulang na nga lang ay mag-maskara na lang siya para tuluyang matakpan ang buong mukha niya.

"Juno, bakit hindi ka sumama sa kanila? Ayaw mo bang maligo?" wala itong imik, ni lingon ay wala akong natanggap, ang suplado naman pala nito.

Bahagya akong lumapit sa kanya, sinusubukan kong silipin ang mukha niya pero puro ilong lang talaga ang nakikita ko, nahihiwagaan tuloy ako sa kanya. Ano kayang tinatago nito sa mukha niya at takot na takot siyang makita ito ng iba? Sarap gupitin ng bangs niyang humaharang sa mga mata niya.


Balak ko sanang pumunta ng library para kausapin si Ethan kaso bigla kong naalala 'yung panaginip ko tungkol sa nobya niya kaya 'di bale nalang. Ayoko naman umakyat sa taas para puntahan si Arthur, nagmumukmok lang iyon at wasted na naman, lango na naman sa alak kaya nga parang medyo malaki na nga ang tiyan.


"Juno, maganda ba ko?" nagpacute ako, wala lang trip ko lang, alam ko naman kasing hindi siya magrereact. Tapos silence means yes pa, e 'di maganda talaga ko.

Patakbong pumasok si Jazerou sa loob ng mansyon, naka trunks lang ito at nag iwan pa ng mga patak na tubig mula sa katawan niya sa sahig. Pumunta itong kusina, napabuntong hininga na lang ako, kukuha lang iyon ng mga beer at mag-iinom. Napahalukipkip ako, iniisip ko na may kasama silang menor de edad sa labas, baka pati si Tyron uminom din ng alak, kaya pagkalabas ni Jazerou ay sinundan ko ito.


"What are you doing here?" Tanong agad ang sinalubong sa akin ni Darrex, ngayon ko lang napansin na pati pala mga dibdib niya ay may tattoo, akala ko mga braso lang niya.

"Hindi ka pwede uminom ng alak Tyron ah," Napatawa si Jazerou sa sinabi ko. Nilapag na nito ang hawak niyang mga beer malapit sa kanila. Sumisid ito sa pool.

"Butiki, pinagsasabi mo?" Sabi ko nga na magagalit ito kapag sinita ko. "Kailan pa kita naging magulang?" Napangiwi lang ako, kung wala lang akong responsibilidad sa kanila 'di naman ako magkakaroon ng pake sa kanya, no?


"Kahit anong sabihin mo, minor ka parin, responsibilidad kita at maging ng mga kuya mo," katwiran ko.

"Okay, okay. Umalis ka na, hindi ka namin kailangan dito," pantataboy ni Darrex sa akin.


"I'm watching you guys, lalo ka ng sutil ka," dinilaan lang ako ni Tyron, tinaasan ko lang siya ng kilay. Buti nga sa 'yo, hindi ka makakatikim ng alak.

Bumalik na lang ako uli sa sofa, nandoon parin si Juno nakasandal ang baba sa sandalan ng sofa, nakabaluktot ang mga tuhod at nakayakap ito sa kanyang sarili na parang giniginaw. Bahagya akong lumapit sa kanya at ginaya ang posisyon ng pagkakaupo niya, kumusot ang mga mukha ko.


Power of Seven Where stories live. Discover now