Kabanata 12

21 0 0
                                    

EPISODE 12: Ang Pinaka Kasiyahan ni Jazerou Isler



NAPAHAWAK ako sa aking noo na pinitik niya, "Masakit 'yon ah," angal ko, bahagyang naramdaman ko nga na kumirot pa.



Hinila niya ang maleta ko kaya napatakbo ako palapit sa kanya, "Sa'n mo ba dadalhin itong maleta ko?" nakakunot-noo siyang humarap sa akin.



"Ihahatid na kita sa kwarto mo sa taas, tinutulungan na nga kita, panget. May reklamo ka parin?" kita ko sa mukha niya ang pagkairita.



Hinayaan ko na lang siya na dalhin ang maleta ko paakyat sa taas, baka mamaya pati tungkol doon pagtalunan pa namin, sinundan ko na lang siya paakyat na tikom ang bibig. Pagkarating namin sa taas ay bumungad sa akin ang isang diretsong pasilyo, magkakaharap ang bawat kwarto na nakita ko, apat sa kaliwa at apat din sa kanan. Sa kabuuan ay may walong kawarto sa taas, base na rin sa bilang ng pintong nakikita ko.




"Sa pinakadulo ang kwarto mo, sa may kanan," hinagis niya ang maleta ko kaya natumba ito sa sahig, napasimangot akong tinignan siya.



"Salamat ah, napakagentleman mo naman pala," sarkastiko kong saad habang papunta sa maleta kong tinalapon na lang niya basta sa lapag.




Tinalikuran niya ko at nakapamulsang bumaba, parang hindi man nga lang niya pinansin ang mga sinabi ko sa kanya. Hindi ko tuloy malaman kung may pake ba siya sa akin o wala? Daig pa ng lalaking 'yon ang mga babae kung maging moody, okay naman siya ng umakyat kami, sabay biglang bato ng maleta ko pagkarating namin sa taas. Bugnutin ng sanggano na 'yon.




Nang tuluyan na siyang makababa ay sabik naman akong naglakad papunta sa tinutukoy niyang kwarto ko, kung saan niya sinasabing pwede akong matulog at maging permanente ko ng silid dito sa loob ng mansyon.



Napabuntong hininga ako ng malalim pagdating ko sa tapat ng pinto na magiging kwarto ko, pinihit ko ang siradura na may halong kaba sa aking dibdib at pagbukas niyon ay bumungad sa akin ang napakalaking espasyo.



"Wow!" namamangha kong sabi. "Grabe naman ang laki ng kwartong 'to, parang kasing laki na ito ng bahay namin sa compound." Isinandal ko sa kung saan ang maleta ko at nagsimula ng maglakbay ang mga paa ko sa loob.



Napalibot ako ng tingin sa bawat sulok ng silid pero wala akong nakitang bintana, nagmukha tuloy kulungan itong kwarto, may malaking kama sa gitna na kulay dilaw; ang pinaka ayoko pang kulay. May maliit na cabinet sa tabi ng uluhan ng kama, may nakapatong doon na lampshade, sa bandang kanan naman ay may malaking aparador.



Lumapit ako sa malaking aparador para buksan ang mga pinto para masilip ko kung ano laman ng loob. Hanggang sa laking gulat ko ng mayroong akong naramdaman na may tumatapik sa balikat ko at paglinga ko ay halos muntikan na akong matumba dahil sa kawalan ng balanse.



Halos mahimatay ako sa sobrang takot ng makita siya, napahawak pa ako sa aking dibdib na parang mabubutas na dahil sa sobrang tibok ng puso ko. Bakit kasi bigl-bigla na lang nasulpot ang lalaking ito?



"Ginulat mo ko, Juno," saad ko.



Wala parin naman nagbago sa kanya, nakasuot pa rin siya ng hoodie jacket at natatakpan pa rin ng bangs ang mga mata niya, mataas din naka-zipper ang hoodie niya kaya pati bibig niya ay 'di mo makikita, tanging ilong lang niya ang kita mo.

 

Nakatayo lang siya, hindi ko nga alam kung tinititigan ba niya ko.




"May problema ba?" pagtataka kong tanong, nilapitan niya ako.




Power of Seven Where stories live. Discover now