Kabanata 3

103 9 5
                                    

EPISODE 3: Ayeng meets Power of Seven



NAPALUNOK ako nang malalim, hindi ko alam kung gagawin ko ba kung ano ang nasa isip ko. Ngunit, kapag hindi ko hinuburan ang lalaking ito ng basa niyang jacket at pantalon ay baka mamatay ito sa lamig. Syempre, hindi naman kaya iyon ng konsensiya ko.

Tiningnan ko ang mukha niya, natatabunan ng makapal at mahaba niyang bangs ang kanyang mga mata. Tanging matangos na ilong at manipis na mapulang labi niya lang ang makikita mo. Nakabaluktot parin siya at patuloy na nilalabanan ang lamig.

Sa kabilang banda, parang may nag-uudyok sa akin na hawiin ang mga bangs niya para makita ang mga mata nito, marahan kong inunat ang mga kamay ko palapit sa kanyang bangs pero bago ko pa maisakatuparan ang nais ko ay hinawakan niya at pinigilan niya ang kamay ko, gamit ng kaliwa niyang kamay.

Namula ang pisngi ko, nahihiya ako sa ginawa ko, hindi ko rin alam kung bakit ko binalak na gawin iyon ng walang paalam. Labag pala iyon sa kagustuhan niya at sa privacy niya. Ewan ko ba sa sarili ko at kung anu-ano nalang naiisip kong gawin.

"Sorry," mahinang usal ko. "Uhm... kailangan kong hubarin ang jacket mo at pati narin 'yung pantalon mo, basang-basa kasi siya. Huwag kang mag-alala hindi ko naman pagnanasahan ang katawan mo," bigla kong nahiya sa mga sinabi ko.

Pagnanasahan talaga, Ayeng? Kung anu-ano na lang talaga ang lumalabas sa bibig mo, parang huhubaran mo lang naman 'yung tao. Iyon na nga, huhubaran ko lang pero 'di ko magawa, pakiramdam ko kasi ay labag ito sa pagkababae ko.

Kinuskos ko ang magkabilaang palad ko at dinikit iyon sa pisngi niya at bumuntong-hininga nang malalim. Wala naman na akong magagawa at kailangan kong gawin ang dapat kong gawin.

Marahan kong itinaas ang suot niyang jacket, ipinasok ko ang aking kamay sa loob ng suot niya para tulungan siyang maihubad nang mabilis ang kanyang hoodie jacket. Nang matagumpay kong matanggal ang suot niyang jacket ay tumambad sa akin ang malapad niyang katawan na bahagyang kulang sa taba.

Kung tutuusin may pagkapayat siya, sadyang mahapad lang ang mga balikat niya at mahahaba ang mga braso niya, kahit nga nakabaluktot ito ay mukha parin siyang matangkad dahil mahaba ang kanyang mga biyas.

"Sir, kaya niyo po bang hubarin ang pantalon niyo?" Wala itong naging tugon, napangiwi ako, mukhang ako talaga ang mahuhubad ng suot niyang pantalon.

Wala naman siyang suot na seatbelt, kaya ang gagawin ko lang ay tangalin sa pagkakabutones ang pantalon niya at ibaba ang zipper niya. Saka ko ihuhubad ang suot niya, gano'n lang kadali pero grabe na ang pula ng pisngi ko at ng tainga ko.

Ayos lang sana kung bata ang huhubaran ko, kung siguro mga edad sampu pababa, ang kaso binata na itong huhubaran ko, labag na labag ito sa pagkababae ko. Kaso, wala naman akong magagawa, trabaho ko ang asikasuhin sila at pagsilbihan. Kawawa talaga kaming mga mahihirap, utos-utosan lang talaga ng mga rich na person.

Pagtanggal ko nang butones ng kanyang pantalon at pagbaba ng zipper ay pinikit ko nalang ang mga mata ko habang marahan na hinuhubad ang suot niyang pantalon, hindi ko talaga siya kayang tingnan habang hinuhubaran siya.

"Sino ang babaeng 'to? At, bakit hinuhubran niya si Juno?" Bigla kong napadilat ng may narinig akong boses, galing iyon sa lalaking nakasuot ng pulang t-shirt na may logo ng supreme, my hawak rin itong ukelele.

Power of Seven Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon