Kabanata 9

61 7 3
                                    

EPISODE 9: Mga Munting Laro ni Tyron Concepto




INAKBAYAN ni Tyron si Darrex nang makita itong palakad palabas ng mansyon, agad akong lumihis ng tingin para hindi kami magkakatitigan ng sanggano na 'yon, palagi talagang seryoso ang mukha niya, tapos palagi pang nakakunot ang noo.





"Payag ka na, butiki? Idaan na lang natin sa volleyball para makuha mo itong nasa ulo namin ni Jaz," Tinuro niya ang asul kong panty na nakasuot sa ulo niya. " Four vs. Four tayo, ako, si Jaz, si Darrex at si Ash," na tinuturo niyang pababa ng hagdan ngayon.





"Bansot, tigilan mo 'yang iniisip mo, ang corny pang isip-bata," rumolyo ang mga mata ko habang nakahalukipkip, pagod na ako sa mga kabaliwan niya. Pwede bang ipadala na lang sa mental ang lalaking 'yan? Dami knows, eh, parang 'di mahal ng mama, kainis.




"Kung ayaw mo ikaw bahala," may dinukot siya sa pwet niya at nanlaki ang mga mata ko nang makita kung ano 'yung bagay na tinago niya roon.



"Hoy, bansot! Bakit nakatago 'yang bra ko sa puwet mo?" gusto ko nang gilitin ng buhay ang lalaking 'to, kundi lang talaga kasalanan 'yon sa Diyos ginawa ko na.



Hindi niya pinansin ang tanong ko at sinuot ang kulay pula kong bra kay Jazerou, namula ako sa galit nang makita ang pagngisi ng manyak niyang kaibigan. Gusto kong magwala pero hindi ko naman magawa, ayokong magpadala sa bugso ng damdamin ko, ayokong magpatalo sa dalawang manyak na magkaibigan na 'yon.




"Okay, okay, 'kay, payag na ko sa gusto mong bansot ka, basta kapag manalo ako ibibigay niyo 'yang undies at bra ko, nagkakaintindihan tayo?" Pumayag na lang ako sa gusto niya tutal wala naman akong choice, atsaka, pagod na akong habulin silang dalawa, mga hindi rin kasi napapagod. Nakailang paikot-ikot yata kami kanina sa sala, ambibilis kumilos dami pang energy.


"Paano naman kung matalo ka?" hirit na naman ulit ng bansot.



"What's happening here?" Nagtatakang tanong ni Ethan galing sa paborito niyang lugar.



Agad akong lumapit sa kanya para humingi ng tulong, binulungan ko siya tungkol sa napagkasunduan namin ng kaibigan niya, tumango-tango lang ito at parang walang pakialam din sa mga nangyayari. Bahagyang nadismaya ako kasi akala ko kakausapin niya 'yung dalawa niyang manyak na kaibigan pero nabigo ako, kilala niya ang mga ito at mahirap talaga kausap ang dalawang 'yon.



"Ibigay mo nalang kaya 'yang mga gamit ko para matapos na 'to, ba't ba gusto mo pang pahirapan pa ko? Eh, kung tutuusin gamit ko naman talaga ang mga 'yan na bansot ka!" Nakangiwi kong angal sa kanya.



"Ibibigay ko lang sa 'yo ang mga 'to kung manalo ka laban sa team namin," At, nakabuo na nga ng team ang demonyong 'yon, tapos ako papahirapan pa niyang humanap ng ipantatapat sa kanila.



"Payag ka ba, Ethan na maging kakampi ko?" umiling-iling ito, napasimangot ako, hindi na nga niya ako tinulungan kumbinsihin ang mga kaibigan niya na ibalik 'yung mga gamit ko pati ba naman sa inaalok ko?



"Okay, si Ethan... ang pinipili ko para maging kabilang sa grupo ko," ngumiti ako at pinulupot ang kamay ko sa braso niya. Nagulat siya sa naging anunsiyo ko, ayaw niya kasing kumbinsihin mga kaibigan niya, kaya wala narin siyang choice kundi tulungan akong manalo laban sa mga manyak niyang kaibigan.


Power of Seven Where stories live. Discover now