Kabanata 7

82 7 6
                                    

EPISODE 7: Mga Kabiguan ni Arthur Velasquez



MADALING araw na akong nakatulog sa kalilinis ng sahig, puno kasi ng suka ni Ash na mahina pala sa alak, sana naisip man lang niya 'yung magandang kasambahay nila, wala naman kasing iba na maglilinis ng mga suka niya kundi ako. Kapag nagpatuloy na ganito palagi ang oras ng tulog ko ay baka magkasakit na ako nito. Minsan, gusto ko na lang umiyak dahil nahihirapan na rin ako sa loob ng mansyon, wala pa ako sariling kwarto.



Gusto kong umangal sa kanila at magreklamo kaso wala naman akong karapatan, hindi naman sobrang mabigat ang mga trabaho ko, nagagawa ko naman siya ng maayos at mabilis. Ang pinoproblema ko lang talaga ay palagi akong nagkukulang sa oras ng tulog, mahirap na at baka magkasakit ako, wala naman mag-aalaga sa akin dito.


Mabuti sana kung nandito si itay, alam niya kung ano ang gagawin at makakaasa akong matutulungan niya ako pero sa pitong lalaki na kasama ko sa bahay, hindi ko alam kung sino ang pwede kong maasahan dito kapag ako naman ang nangailangan ng tulong.


Ang hirap maging mahirap pero ayoko namang mamatay na mahirap, kaya hanggang maaari ay magtitiis ako at magsusumikap. Lalabanan ko ang lungkot at magtitiyaga na maghintay na dumating ang araw na magiging malaya na ako mula sa pang-aalipin ng pera.


Dito ako natutulog sa sala, malaki naman ang sofa kaya parang natutulog narin ako sa kama, ang hinahanap ko lang talaga ay privacy. Syempre, babae ako, kailangan namin iyon, masyadong maselan sa amin ang reyalidad, lalaki parin naman hanggang ngayon ang palaging nasa taas. Hindi ako against sa mga kalalakihan, minsan nakukulangan lang talaga ako sa oportunidad pagdating sa mga kababaihan, 'di ko rin naman masisisi kung bakit ang hirap parin umangat ng mga babae, kasi kapwa babae rin namin minsan ang nanghihila sa amin pababa.

Alas dos na ako nakatulog at alas siyete naman ako ng umaga nagising, kailangan ko na kasing ipaghanda ang mga alaga ko ng kani-kanilang almusal, itlog, hotdog at sinangag ang niluto ko sa kanila. Kagaya ng inaasahan ko ay si Darrex ang pinakamalakas lumamon sa kanila, siya nga lang yata ang nakaubos ng isang kilo kong bigas na sinalang na ginawa ko lang fried rice.


Naging tahimik ang buong umaga ko at bahagyang nakaidlip pa ako kanina bago sumapit ang tanghali dahil naging abala sa paglalaro sa isang kuwarto sa mansyon sila Ash at Jazerou, walang mangungulit sa akin. Palagi naman kasing nasa labas si Darrex at naghihithit lang ng sigarilyo. Samantalang si Ethan nasa library ulit nakatambay, si Ash naman ay nasa kuwarto niya, may hangover daw. Habang si Arthur ay nandito sa sala at may hawak na beer.


"Masama sa kalusugan 'yang ginagawa mo sir," sita ko sa kanya, tiningnan lang niya ako at ngumiti. Ang lalim pala ng dimples niya sa kaliwang pisngi, ngayon ko lang kasi siyang natitigang mabuti.


Nakasuot lang siya ng puting plain na t-shirt at itim na short, nakasandal ang likod niya sa sofa at nakalahad ang isang kamay sa upuan ng sofa habang ang isa naman niyang kamay ay may hawak na isang bote ng alak. Katulad ng mga kaibigan niya ay may ilalaban din sa kagwapuhan ang isang 'to, matangos ang ilong, bilugin na malaki ang kanyang mga mata at inosente niyang ngumiti, mukha nga siyang mabait eh.



"Sinabi na namin na 'wag mo na kaming tawaging sir ah, magkakasing edad lang tayo dito. Atsaka, hindi kami ang nagmamay-ari ng mansyon na ito kundi si Mr. Philip, katulad mo, mga housemate lang din niya kami rito." Pinakita niya ulit ang malalim niyang dimples.


"Bakit ba palagi kang naglalasing? Hindi ka ba natatakot na baka magkasakit ka niyan?" Sinubukan kong agawin sa kanya yung hawak niyang bote ng beer pero inilag niya lang ito.


Power of Seven Where stories live. Discover now