Kabanata 10

73 5 5
                                    

EPISODE 10: Team Darrex vs. Team Ayeng


MATAGUMPAY namin na naibato ang bola sa kalaban, naging maagap naman ang Team Darrex, naging maganda ang formation nila kung paano bantayan ang bola at depensahan ito, maingat din sila sa paghawak ng bola upang 'di sumayad ito sa tubig. Feeling ko tuloy napaka-unfair ng laban, kita naman sa mga katawan nila. Kung pwede lang sana sumurrender ay ginawa ko na.




Mga slim pero masculine ang katawan ng apat, kaya masasabi mong malaki ang tyansa nila manalo, kaysa naman sa grupo ko na may babae pa at ako 'yon. Parang pabigat pa nga ko, mabuti na nga lang ay matangkad ako, kaya kahit papaano ay nakakasabay ako sa kanila o sa mga kagrupo ko. Ilang saglit lang ay bumalik ulit sa amin ang bola.



Napatingin ako kay Juno na umaalay sa bola na hindi ito sumayad sa pool, napangiwi ako dahil mahirap pala balansehin ang ganitong kalaking bola at bukod pa doon ay parang bumibigat na siya. Nakaalalay mula sa likod si Ethan at Arthur. Sandali kong sinulyapan ang kabilang grupo at naghahanda na sila sa pagbato namin ng bola pabalik sa kanila.

 

"We're gonna throw up the ball, back to them," sambit ni Ethan na bumubwelo para maihagis ang bola sa kabila, umusad naman kami ni Juno palapit sa net para tumulong.



"One, two, three," sabay-sabay naming bilang hanggang sa makarating na ang bola sa kabilang grupo.



Natuwa ako kung paano lumipad ang bola papunta sa kabilang grupo pero agad din na napawi iyon nang masalo ito ng mga nasa unahan na si Jazerou at Tyron, ibinato nila ang bola paitaas at doon ay nakita ko ang sabay na pagtalon ni Ash at Darrex. Gamit ang kanilang mga malalaking palad ay sabay nilang hinampas ang bola at mabilis na lumipad ito pabalik sa amin.



Natulala na lang ako habang papunta sa akin ang malaking bola.




Sa sobrang laki nito ay nawalan ako ng balanse at napailalim sa pool, inalalayan naman ako ng mga kasama ko para umahon, nakainom tuloy ako ng maraming tubig. Paghawi ko sa aking buhok na nakaharang sa mukha ko ay nakita ko na lang na nagkakasiyahan na ang Team Darrex.


"One-Zero," mayabang na hiyaw ni Tyron.



Nanlaki na lang ang butas ng ilong ko dahil akala mo tapos na kaagad ang laban kung makapag-celebrate sila. Napataas na lang ang kilay ko dahil sabay pa nga na magthumbs-down si Jazerou at Tyron na may kasama pang-bebelat sa akin.




"Are you okay?" pangangamusta ni Ethan.




"Isang puntos pa lang naman makakabawi pa tayo, Ayeng. Nagsisimula pa lang ang laro," positibong saad ni Arthur para palakasin ang loob namin.



Bumalik na ang dalawang grupo sa kanya-kanya puwesto, kami ulit ang magse-serve ng bola. Pagtapon namin ng bola sa kalaban ay agad naman nila itong nadepensahan, maayos naman ang pagkaka-serve namin pero bigo parin kami na makakuha ng kahinaan sa Team Darrex.



"Nooooo!" malakas na hiyaw ko habang hinahabol ang bola na hindi sumayad sa tubig, nadistract kasi ako kaya hindi ko agad natulungan si Juno na alalayan siya sa pagsalo niya ng bola.


Mabuti na lang ay maagap na naisalba ni Ethan at Arthur ang bola bago pa ito sumayad sa tubig, nang wala ang tulong ko ay naibato nila ang bola pabalik sa kalaban. Napakagat na lang ako sa aking mga kuko sa daliri, bigla kasi akong napressure sa mga nangyayari, hindi ko alam kung paano ako makakatulong.



Power of Seven Where stories live. Discover now