Kabanata 11

39 1 0
                                    

EPISODE 11: Ang Mga Bisyo ni Darrex Lavisto




MABILIS na inawat ng mga kasama niya si Darrex na pasunggab na kay Juno, niyakap ni Tyron sa tiyan ang kanyang kaibigan habang si Ethan at Jazerou naman ang nakahawak sa magkabilaang braso nito. Samantalang, si Arthur at Ash ay sa magkabilaang paa nito.



"Lakas ng loob mong takpan ang bibig kong duwag ka! Harapin mo ko, duwag!" 'Di naman siya pinansin ni Juno sa pagwawala niya, na pagapang ng bumabalik sa loob ng mansyon na parang walang nangyari.



Kinuha ko naman na oportunidad iyon para kunin ang bra kong nakasuot kay Jazerou at panty kong ginawa niyang sumbrero. Wala naman itong nagawa dahil 'di naman niya mabitawan ang nagaalburuto niyang kaibigan, matapos kong makuha sa kanya ang mga gamit ko ay isang sabunot at malakas na sipa mula sa pagitan ng hita niya ang ginawa ko.



"Goodluck sa pag-awat sa kaibigan mo," nakangiti kong sabi, nakita ko ang mukha niyang hindi maipinta dahil sa pamimilipit sa sakit buhat ng pagkakasipa ko.



Hinubad ko naman ang panty kong asul sa ulo ni Tyron, at malakas na sabunot ang ginawa ko sa kanya kaya napasigaw ito. Kanina pa talaga ako nanggigil sa kanya, nang naglalaro pa lang kami ng volleyball. Wala naman itong nagawa kundi ngumuso na lang at sumimangot dahil 'di siya makakaganti sa akin.




"Bansot, yakapin mo lang 'yang kaibigan mong sanggano, ginusto mo 'yan eh," tinapik-tapik ko ang ulo niya at pumasok na sa loob ng mansyon.



Abot-langit ang ngiti ko pag-upo ko sa sofa, parang hindi na rin masama na natalo kami dahil parang nakaganti na rin ako, kasi nabadtrip si Darrex at nakuha ko naman na ang bra at panty ko sa dalawa. Natatawa na nga lang ako panoorin sila sa labas dahil patuloy parin na nagwawala ang sanggano at pilit nilang pinapakalma ito.



Pagsapit ng gabi ay maagang umakyat ang halos lahat maliban kay Darrex na nagpaiwan dito sa sala, kasalukuyan siyang nakaupo sa sofa habang nakalahad ng pahaba ang dalawang kamay sa sandalan.


Nakasuot na naman ito sando, naiba lang ang kulay ngayon dahil kulay itim na ang suot niya, ganoorin ang suot nitong short. Nagtataka nga ko sa lalaking ito ang hilig magsando, malamig naman sa loob ng mansyon, ako nga minsan balot na balot dahil nilalamig, lumalabas na nga lang minsan kapag nangangatog kasalungat naman sa lalaking 'to.

Patingin-tingin naman ito sa akin na dahilan para nanlaki ang mga butas ng ilong ko, wala naman siyang ginagawa, sadyang nando'n lang siya. Nakahalukipkip lang ako at sumisimangot tuwing nahuhuli ko siyang tumigingin sa akin, balak ko pa naman sanang matulog nang maaga.



Napatingin ako sa orasan at pasado alas diyes na ng gabi, kapag ganitong karaniwang oras talaga ay umaakyat na sila para magpahinga at matulog. Ewan ko ba sa lalaking ito at anong trip kung bakit gising pa rin at dito pa tumambay sa sofa kung saan ako natutulog.



"Hoy, sanggano! Pwede bang umakyat ka na sa taas!" utos ko. "Ano bang ginagawa mo dito? Wala ka naman nang gagawin dito, ano papanoorin mo ko matulog?" Umismid lang ito at sinulyapan lang ako ng tingin.



"Bago ka pa dumating dito, matagal nang nakalagay dito sa sala ang mga sofa na 'to. Atsaka, 'wag kang umasang papanoorin kitang matulog, ampanget mo kaya," bahagyang natawa pa ito.



Power of Seven Where stories live. Discover now