Dare 3

2K 47 3
                                    

CHAPTER 3
MONICA
"MONICA!" sigaw ni Mariane na halos rinig sa buong mansion. Lutang na lutang kase ako ngayon dahil sa nangyari kanina. I still can’t believe it, how did I remain calm earlier?!

"W-what?" Tumingin ako sa apat na parang naghihintay ng sagot mula sakin.

"Why?" Sabay kamot sa ulo.

"What is in your mind, Monica? You're not listening!" Galit na sabi ng pangalawang pinakamatanda sa amin na si Mariane. She’s impatient all the time. If you’re tatanga-tanga… you can’t be her best friend. Good thing we aren’t that dumb, ngayon lang!

"Of course I am!" Ano na nga ba yung sinasabi nila? Una raised an eyebrow.

"Then, ano yung huling sinabi ni Mariane?" Tanong niya at nagtaas ng isang kilay

"Uhmm... Uhh--Ahh! 'Monica!'?" Sabi ko. Totoo naman, ah! Sinigawan kaya niya ako. I almost jump on my seat!

"You are not literally listening." Sabi ni Sam na may hand motion pa. Tutal Saturday bukas ay napagpasyahan naming matulog dito sa Mansion nila Mariane and to relax also. Two weeks pa lang ng semester ay nakaka-stress na! Sunod-sunod na activities at assignments, dagdagan pa ng quizzes!

"Ano ba ‘yun? I'm sorry it's just that... my mind was full of nonsense." Bumuntong hininga ako at napahilot sa sintido sabay iling na parang pasan ko ang mundo.

"We are asking kung nakita mo si Marzh kanina at bakit siya nagkaganyan! We don't know what happened earlier! Kung nag-anxiety attack or depress na yan!" Una exclaimed.

Nagtaas ng kamay si Arianna, "Uhmm, guys are we supposed to review for Monday's quiz?" Sabi niya. Pinilit namin siyang hindi suotin ang kanyang retainer but with her eyeglasses pa din.

Kailangan pa siyang ihatid ng driver nila and sa labas ng mansion namin ay may tatlong bodyguards. Para sa kanya lang yan dahil may dalawa pa kaming guard sa labas. Kaya overall, five guards are around the house.

We don't know why her parents are so strict to the pointbthat we, her friends are the most affected. Feeling ko ako ang nakakulong. Nung ipinaalam naman namin si Marzh ay madali lang dahil kilala kami ng parents niya. Pinakain pa kami kanina sa bahay nila, eh. Her mother's cooking skills are the best among the rest! Si Mommy kase 'di marunong magluto.

And for Una naman okay lang daw basta wala daw si Mekhailov at boys dito. She’s very transparent and honest when it comes to the people she hates.

And for Sam, siyempre kilala ako ni Mr. And Mrs. del Rosario dahil ako ang isinasali nila noon sa MTAP. Pero ngayon senior high na kami, ewan ko kung isasali pa ako sa mga events and such. I'm not interested in competing na, I want to enjoy my last year in high school.

"Hindi ko siya nakita. Kase magkaiba kami ng majors ‘di ba? Bago ‘yung majors natin ‘di ba okay pa naman siya?" Tanong ko. Kumunot naman ang nuo nila at napaisip ako.

Ano naman ang problema ng isang ‘to?

"Isa ka din! Anong problema mo? Iling ka ng iling diyan namumula ka pa." Mariane is really angry today, I wonder why.

"Eh, kase naman! ‘Yung babaerong ‘yo--" my sentence stopped midway when I heard his voice in my mind, 'Can you be my girlfriend?'. The way his voice thundered in my head, I felt all of my hair stood.

"What?" Takang tanong nila. Naramdaman ko nanaman ang pag-init ng pisngi ko. Napalunok ako.

"Ehh---" nilaro ko ang mga daliri ko sa kamay at kinagat ang ibabang labi.

"Putangina, Monica huwag kang pabebe!" Napatingin ako kay Mariane at kita kong stress na stress na siya.

"Ano bang nangyayari sa kanila, Una?" Tanong niya. Dalawa kase silang panganay, kaya parang sila ang ate. We're family in this group, so we're fine with those foul words.

"Tell us everything and after that si Marzh naman." Mahinahon na sabi ni Una pero napapahilot na din siya sa sintido.

"Earlier, uhmm how do I say this? Uhmm si Gabriel you know? Our classmate? He asked me to be his girlfriend, which is so ridiculous---" pilit na tawa ang nilabas ko then Mariane stopped me from talking by talking too.

"Wait! Gabriel? Which one?" Tanong niya. Ahy tanga! May limang Gabriel pala sa classroom.

"Uhmm, Gabriel Santos." Mahina kong sabi habang nakayuko ang ulo

"Ahh--- what the f*ck?!" Biglang sabi ni Marzh na nakikinig na pala sa’min. Tumingin naman kaming lahat sa kanya.

"At last! The dirty woman is finally awake." Sabi ni Mariane.

"Yeah and you’re 'clean' and 'innocent'." Sarkastikong sabi ni Marzh and rolled her eyes. They’re just like that, but they’re the closest.

"Shut up. You two are burdensome. Nanonood na dapat ako ng The Bachelors ngayon. Ikaw naman, ano namang nangyayari sa 'yo, ha?" Tumingin kaming lima sakanya at naghihintay ng ekplenasyon.

"Ehh---"

"Huwag ka ding umarte dyang manyak ka!" Sanay na kami sa no filter na bibig ng aming kaibigan. Araw-arawin ba naman ‘yung ganyan pagsasalita, hindi halatang tagapag-mana.

"Eto na eto na! Ganito kasi ‘yon..." At nagumpisa na nga siyang magkwento.

LAHAT kami ay tulala na ngayon. Paano ba naman kase, sobrang ano. Maano basta! Maano!

Ngayon naman ikinwento ko sa kanila ang buong nangyari. Nagi-isip na sila kung ano dapat ang gawin ko. I’ll trust them with whatever they’ll tell me to do because I also need this. Their advice.

"You know, that motherf*ckers are just bored maybe napagtripan ka lang." Sabi ni Sam.

"Yeah, maybe he was just playing. Or he wants to you know... Mariane?" Una said and cleared her throat, wanting Mariane to finish the sentence.

"Have him as his new dish." Sabi ni Mariane at bahagyang ngumuso. “Hihirapan mo pa, gusto niyang makipag-sex. As simple as that!” napangiwi kaming lahat sa sinabi ni Marzh maliban kay Mariane. “Ugh, Marzh, I’m not like you. Dapat, if you’re telling someone inappropriate, make it classy.” Mariane motioned her hands like she casted a spell.

"Mahirap din naman kasing... you know, be on his bed. Hindi namin kakayanin kapag ikaw naging laruan niya." Mahabang sabi ni Marzh at hindi pinansin ang sinabi ni Mariane.

"Yeah, right." Sabi nilang lahat except me and Arianna.

"Did his pupils dilated while looking at you?" Kyuryosong tanong ni Arianna. Well did his pupils dilated while looking at me? Napakalayo namin sa isa’t isa, paano ko naman makikita?

But to answer Yana’s curiosity, I answered, "I don't know."

"Ano namang connect ng pupils sa problema ni Monica?" Tanong ni Una. "Our pupils dilate when we see someone or something we like. It has a psychological thingy. So if you saw his dilated pupils, he likes you." Sabi ni Arianna at kinuha ‘yung bowl na may lamang chips.

"So what am I gonna do? Let him court me?" My eyes were full of curiosity. My mind was filled with questions. I bit my lower lip.

"Look, kalahati ng university made it out with Gab. We are not sure. But you can only do one thing..." Una’s eyes turned into a straight line.

"And what is that?" Tanong ko dahil kinakabahan ako sa pagsingkit ng kaniyang mga mata ngunit nagawa ko pang magtaray para pagtakpan ang kinakabahang loob ko.

Unti-unti na rin silang lumalapit palapit sa akin na parang hinihintay ang sasabihin ni Una.

"You should..."

W A N D E R

Dare Me To Love You (ITL Series #1) |COMPLETE Where stories live. Discover now