Dare 36

367 7 2
                                    

CHAPTER 36

MONICA

"OKAY, ITO ang plano natin para naman ma-enjoy natin ang last day." Pinakita ni Mariane ang parang outline na nakalagay sa isang bond paper. She's so extra talaga.

Tumango-tango ako habang nakatingin sa papel. Pupunta daw kami sa labas ng resort at gagala sa kung saan-saang palengke. Narinig ko rin kasi nuong isang araw na may magandang night market outside the resort. Galang-gala na rin naman ako, I can't stay in this resort on my last day here!

Tapos ngayong umaga naman ay magsi-swimming lang kami sa tabing dagat tapos kakain. 'Yun lang naman ang plano nila dahil ang mga malls sa lugar ay malayo pa dito sa resort, kaya paniguradong hindi na kami makakagala kung sakaling balak namin gumala sa mall.

"Paano naman tayo makakalabas dito sa resort?" tanong ni Sam. "Good question," nilagay ni Mariane ang daliri niya sa baba na parang nag-iisip. Pasulyap-sulyap ako kay Mariane at sa outline a ginawa niya.

"Hindi ko rin alam." She said and her shoulders fell. "Madali lang naman makatakas sa guards, plus, hindi lang naman tayo ang guests dito. Paniguradong hindi nila mahahalatang students tayo at nasa isang school trip." suhestiyon ni Marzh at tinanggal ang salamin niya.

"What if mahuli tayo?" Para kaming mga inmate na nagpaplanong tumakas sa kulungan. We all calculated plans and what if's. We never left a single problem unsolved, we never know. It's better to be prepared.

"Pinakuha ko na kay Henry yung sasakyan ko." Henry 'yung driver ni Una, I totally forgot about him! Simula kasi nuong inaasar namin si Una kay Henry, naging mailap na namin siyang makita. Well, I don't want to think more about him, siguro dahil natuto na rin si Una mag-drive kaya hindi na niya kailangan pa si Henry.

Pinasok ko ang CR kahit pa nandoon sila Marzh. It's not a big deal, I've seen them bare naked and so do they. Pero ang open talaga sa aming lahat ay si Mariane at Marzh, sa sobrang open nila sa isa't isa I'll never be surprise kung sabihin nilang they've waxed each others' coochies.

Nagsuot na lang ako ng yellow two-piece set since that color compliments my skin more than any color, plus it's one of my favorite colors. Nagpatong na lang ako ng over-sized shirt para hindi na ako magpalit mamaya at huhubarin ko na lang iyong t-shirt.

"Bakit parang kahapon ang laki ng boobs ko? Tapos ngayon parang na-deflate na." napatingin na lang ako kay Marzh na hawak ang magkabilang dibdib habang sinusuri ang mga ito sa salamin.

"Sana all may boobs." pumasok naman sa loob si Mariane habang nakatapis ng twalya. I gathered all of my hair up and clipped it with a yellow clamp. I don't want to get my hair all wet because we're still going out later. Ayoko namang lumabas ng bilang ang buhok ko. Speaking of hair, parang humahaba na ang buhok ko, I need a treatment after this.

Napameywang ako habang pinagmamasdan ang karagatan. Ngayon ko lang talaga na-appreciate ang sinag ng araw ngayon. The scorching sun emphasized my brunette hair, hindi pa lang ako nakakatapak sa buhangin ay nag-iinit na ang talampakan ko dahil sa manipis na tsinelas na suot ko.

And no matter how it stings against my porcelain skin, I realized that I've missed being kissed by the sun. It's been ages since the last time I felt the saltiness of the beach on me.

Pagkaupo namin sa isa sa mga beach chairs ay nag-apply agad ako ng sun screen, I don't wanna be a walking tomato after this. Isa pa, mabilis akong mairita sa araw. At least naman ay ma-enjoy ko rin ang huling araw ko dito.

Ilang minuto palang na nnakatampisaw ang kalahati ng aking katawan ay nabawasan ang init ng araw. Nagbabad pa ako saglit saka ko tinawag si Marzh para makuhanan ako ng picture. Dala kasi niya ang camera niya. Na-miss ko din ang Instagram kong inaamag na dahil sa tagal kong nag-post ng picture.

Dare Me To Love You (ITL Series #1) |COMPLETE Where stories live. Discover now