Dare 37

343 7 2
                                    

CHAPTER 37

MONICA

KINABUKASAN ay sinundo na kami ng school bus para umuwi na. We all acted like nothing happened outside the resort. We all acted like there was no serious scenarios happened yesterday. Isa rin sa mga pinag-usapan naming lahat ay isikreto ang tungkol sa nangyari. Ayaw naming malaman ng mga magulang namin 'to. We talked to the police to not reveal the victims which are us.

While walking through the bus, I consciously looked at each sides; scared to repeat the same scenarios. Halos hindi ko marinig ang mga boses ng mga kaibigan ko pati na rin ang boses ng mgaa boys. Tanging rinig ko lang ay ang walang katapusang tawanan ng mga estudyanteng nakaupo sa loob.

Tahimik akong naupo kay Mariane na nakatulala sa labas ng bintana. Nang maupo ako sa tabi niya ay natataranta siyang nangalkal ng gamit sa loob ng sling bag. She took out a small mirror and looked at her reflection. Maya-maya pa'y tumingin siya sa akin na para bang hindi ko siya nahuling balisa.

"Uy, harot... gawa tayo ng bagong rule, gra-graduate naman na tayo." Biglang sabi ni Mariane kaya napatingin ako sa kaniya. By the look in her eyes, I can sense that she's trying to ease the heavy atmosphere around us. I know why, and I don't want to go further. "Ha? Tapos na ba yung 'No Boyfriend' rule?" tanong ko habang inaayos ang nagbuhol-buhol kong headset.

I creased my brows as I looked at her. We had these rules since 9th grade. It is when we make rules for everyone that we should follow. Hindi naman sapilitan ang rules dahil pwede ka pa ring mag-decide kung payag ka or hindi. Ang kung sinong maglabag ng rules na 'yon na sumali ay may punishment. Our last rule was the 'No Boyfriend' Rule. Ang unang mag-boyfriend sa aming anim ay manlilibre ng lunch for a month. Wala pa namang nakakalabag non, so I think it's still on.

"Hmm, whoever in our group loses her virginity first... siya ang magbabayad ng gas for our road trips for a year."

"Bakit naman gasolina?" tanong ko.

"Duh, mahal na kaya ang gasolina ngayon." she rolled her eyes as she applies her lip gloss. Siguro ito muna ang ifo-focus ko, maybe this would lessen my worries, I need something to make me think away the fears.

"Marzh! Sali ka?" tanong ko kay Marzh na nasa likod ng upuan namin. "Ano nanaman 'yan?" tanong niya habang ngumunguya ng kornik.

"Whoever loses her virginity first, magbabayad ng gasolina for our road trips ng isang taon." Nakangiti kong sabi. For sure naman ay panalo na ako dito, hindi naman ako mapusok, and I can control myself.

"Hindi na." sabi niya sabay ngiwi kaya nagkibit-balikat na lang ako. Apat lang kaming kasali, si Una, Mariane, ako, at si Yana na napilitan pa atang pumayag.

ILANG ORAS pa bago kami ibaba sa school. Kukunin ko na sana ang backpack ko sa compartment na nasa taas pero naunahan na ako ni Freedom.

"Oh, uwi ka na?" tanong ko sa kaniya at binigay ang bag ko. "Sabay na tayo." Pag-aya niya at inagaw ang isa pang trolley bag na hawak ko.

"Hindi na, may pupuntahan pa ako." pilit na ngiti kong sabi saka bumaba ng bus. Nakakahiya kasi ang daming tao sa loob tapos nagku-kuwentuhan lang kami ng pinsan ko dun sa pinaka-gitna pa.

Nakipagsiksikan ako sa mga estudyanteng nakaharang sa daan ng bus para hanapin si Gab sa kabilang bus. Pagbaba ko pa lamang ay nakita ko agad ang bulto niya. Nakaharap ang likod niya sa akin. His shoulders looked tensed that made it more broader, is he mad? Nilapitan ko siya at kinalabit sa balikat.

"Gab! Are you okay?" the moment he faced me, I caressed his shoulder to ease its tense. Para siyang nanggigigil na galit. Nakita ko sa likod niya ang pamilyar ring bulto ni Retz at doon ko nanaman naalala ang invitations na ibinigay niya sa amin nuong nasa isla pa lang kami.

Dare Me To Love You (ITL Series #1) |COMPLETE Where stories live. Discover now