Dare 16

781 28 2
                                    

CHAPTER 16
MONICA
“DIRETSO KA NA BA sa last subject?” I was heading to my last subject—Music Major when I saw Gabriel on the boy’s lockers.

“Mhm.” Tumango ako habang hawak ang strap ng bag ko.

“Hintayin mo ko sabay na tayo.” Naghalungkat siya ng kung ano sa locker niya bago niya ako hinila sa kung saan. Tumigil kami sa canteen. Pina-upo niya ako sa isa sa mga upuan sa canteen at dumeretso sa counter. Napakagat ako ng labi habang hinihintay siyang bumalik.

Pagbalik niya may dala na siyang dalawang chuckie. Hinintay ko siyang imbitahan akong umalis pero itinapat niya sa akin ang isang chuckie at ang paborito kong biscuit, ininom naman niya ang isa. Umangat ako ng tingin sa kaniya at kinunot ang nuo. Ngumiti siya sa akin at tumango.

Napangiti ako at binuksan ang biskwit. Konti lang ang kinain ko kaninang lunch dahil nagmamadali kaming kumain. Medyo late kasi kaming ni-dismiss ng last teacher at terror naman ang first teacher sa hapon kaya pagdating ng last subject ay kumukulo na ang tiyan ko. Sabay kaming naglakad papuntang room ng Music Major habang iniinom ang chuckie.

Kahit na si Gab na mismo ang nagbigay sa akin nito ay hindi ko pa rin maiwasan ang magduda at matakot dahil sa nangyari. Umiling nalang ako sa iniisip at inubos ang laman ng iniinom. Minsan talaga hindi maiwasang matakot sa isang bagay lalo na’t malapit lang sa’yo.

Hindi naman kasi namin napa-expelled si Aron dahil natatakot ako kung ano ang mangyayari. Saka ayaw kong ako ang laman ng balita sa school. Ayaw ko ring malaman nila Mommy ang nangyari dahil paniguradong mag-aalala ang mga ‘yon at paniguradong ililipat nila ako ng school.

Nang makita ang basurahan sa gilid ng pinto na malapit sa Music Room ay pabato kong tinapon ang walang laman na chuckie na parang nagsh-shoot ng bola sa ring.

Napangiti ako ng makitang pasok ito. Mula sa likuran ko ay nakita ko ring binato ni Gab ang kanya pero hindi ito na-shoot. Natatawang tumingin sa kanya saka napailing na lumapit sa chuckie na walang laman at itinapon sa basurahan.

“Hindi talaga ako magaling sa shooting.” Nahihiyang sabi niya at nang makalapit sa akin ay agad akong inakbayan. Napatigil ako sa ginawa niya pero hinayaan na lang siyang ganon.

“Maganda na rin iyon. Iwas sa bata, diba?” pabulong ang pagkakasabi ko sa huli. Ayaw ko namang sabihin niyang green minded ako. Mas maganda nang itinatago ko ang mga naririnig ko sa mga kaibigan ko. Ayokong ma-turn off siya sa akin. Kunware na lang tayong kauri natin si Arianna, hehe.

“Ha? May sinasabi ka ba?” tanong niya. Umiling akong tumingin sa kanya at ngumiti. “Wala. Bilisan mo.” sabi ko at inunahan siyang maglakad.

When we entered the classroom, I sat on my usual seat at hindi ko namalayang tumabi si Gab sa akin hanggang sa naramdaman ko na lang na hinawakan niya ang kamay ko at pinagtiklop ang mga daliri. Nag-iingay ang mga student sa loob ng classroom. Ang iba ay tumutugtog ng ukulele at karamihan ay nagkuwe-kuwentuhan lang.

Inilabas ko ang phone ko at ang headset. Mags-sound trip na lang ako. Tumingin ako kay Gab at inabot sa kanya ang isang pares ng headset.

Can this be real?
Could someone tell me please?
That I’m not living in a dream
I’ve waited for so long
I can hardly believe
That love has finally made its way to me.”

“You now love this song, eh?” Gab murmured.

“I love this song. I’ll use this song for my wedding someday. Ikaw ang kakanta, ha?” I joke him. I saw him pouted and made a face.

His pouts are so cute. I pinched his cheeks and squealed in my mind. “Aray! Masakit kaya.” Reklamo niya. Mas lalo akong natawa sa inasta niya. Hinaplos ko na lang ang namumula niyang pisngi. But whenever he talks Tagalog, I don't know why it makes me smile. Patuloy ako sa paghaplos ng pisngi niya.

Bawal naman kasing halikan kahit sa pisngi lang dahil may tao, ‘di ba? But… I can actually do that, pero ayokong malaman ng mga kaibigan kong lumalandi-landi ako. I just don’t want them hearing their voices threatening Gabriel, o kaya ipagsigawan nilang mahal ko si Gabriel at aasarin asarin nila ako hanggang sa malaman ng buong school.

Sinasabayan niya paminsan-minsan ang kanta at nakikinig lang ako sa kanya habang ang mga daliri ko naman ay parang tumutugtog ng piano sa kanang hita ko.

Nang dumating si Ma’am ay pinatay ko na ang music at nakinig sa sasabihin niya. Ganon rin ang ginawa ng ibang students.

Mabait ang teacher namin sa major na ito. Maganda rin siya at mukhang 25 years old lang pero 35 years old na siya at may dalawang anak. Kaya minsan ay napagkakamalan siyang estudyante. Kaso nga lang, tinatamad magturo minsan, but we like it that way. Minsa kasi ay tinatamad rin akong pumasok.

“Good Afternoon, class.” Bati niya habang nakangiti. Hindi tuloy mapigilan ng iba naming mga kaklase ang magka-crush sa kaniya.

“Good Afternoon, Miss.” Sabay-sabay naming sabi ng hindi tumatayo.

May hawak siyang mga papel at nakangiting nakatingin sa amin. “In-announce kahapon na magkakaroon ng recital, kung narinig niyo iyon.” Pag-uumpisa niya.

“And this year’s recital ay magkakaroon tayo ng groupings, as usual. Ihahati ko ang mga mag-tutugtog ng ukulele, guitars, lire, piano, two singers, et cetera.” Napatango ako sa sinabi ni Ma’am.

Ramdam ko ang mga titig sa classroom kahit na lahat naman kami ay nakikinig sa teacher. Maski si Gab ay nakikinig rin dahil kitang kita ko siya sa peripheral vision ko. Pinabayaan ko nalang iyon at itinuon ang atensiyon sa teacher.

“Ang theme ngayong recital is about Love In a Wrong Place.” Nag-hiyawan ang mga student sa classroom. Na-excite din ako sa sinabi ni Ma’am.

In-explain ni Ma’am ang gagawin namin. Bumunot siya ng sampung pangalan para sa ukulele group. Lima sa guitar group. Dalawa sa piano, at 15 sa lire. Tatlo rin sa backround singers. Ang hinihintay na lang ay ang dalawang singers. Lima nalang kaming hindi pa napili, isa na doon si Gab.

Ang mabubunot ay ang magiging dalawang singers at ang matitira ay mapupunta sa backround singers.

Bumunot si Ma’am mula sa isang pouch na naglalaman ng mga pangalan namin. Okay na ako kahit saan ako mapunta. Buti nga hindi ako napunta sa guitar at ukulele, dahil hindi ko alam tugtugin ang mga iyon.

“Okay, here’s our girl lead.” Inilabas ni Ma’am ang isang pirasong papel na nakatupi mula sa pouch na puro pangalan ng babae ang nakalagay. Sa isang pouch naman ay puro lalaki.

“Monica,” sabi ni Ma’am. Nagulat naman ako, hindi ko inaasahan na ako ang maging lead singer. Inaasahan ko talaga maging backround singer lang.

“And here’s our male lead…” bumunot si Ma’am mula sa dalawang papel na natira. It’s either Gabriel or… Aron, na hindi pumasok ngayon. Buti naman. The moment I stepped across the gate, my heart thumped like crazy. Thinking, “What if Aron was present?

And I just hate the fact that we are in the same major. That anytime, I’ll get to see him.

Mahina akong nagdasal na sana ay si Gab ang maging partner ko dahil baka atakihin ako ng maaga kapag si Aron ang naging partner ko.

“Gabriel.” pagkasabi ni Ma’am ng pangalan niya ay umangat ang tingin ko. Nakita ko kung paano tumaray ang tingin ng mga babaeng kaklase. Nakahinga ako ng maluwag. Mainis at mainggit man ang mga ito sa akin, at least alam kong ligtas ako. I let out a sigh of relief.

“So, Lexther, Ally, and Lyn sa Backround Singers kayo. Pakisabi na lang kay Lexther kapag pumasok na siya.” Naramdaman ko ang pag-hagod ng kamay ni Gab sa likod ko. A sign of comforting. I smiled nervously at him and he gently smiled back, like he was telling me it’s fine… that I’ll be fine.

“Gab and Crisa, bukas ang practice niyo sa akin. Sa gym, okay? Mag-online nalang kayo mamayang gabi at sasabihin ko ang date at time ng mga practice niyo.” Sabi ni Ma’am. Tinanguan namin siya at binasa ang liriko ng kanta. 

W A N D E R

Dare Me To Love You (ITL Series #1) |COMPLETE Where stories live. Discover now