Dare 19

636 28 2
                                    

CHAPTER 19
MONICA
“MANG ADOR, mamayang hapon pala paki-sabi kina Mommy na uuwi akong mag-isa, ha?” Nakangiti kong paalam sa kanya at bumalik ulit sa pagkakasandal ko sa backseat.

“Bakit Ma’am? May date kayo nung forenjer?” Ngiting asong tanong niya. “Hindi po ako makiki-pag date. Pakisabi kay Ate Saleng.” Nailing kong sabi sabay ngiti. Itinuon ko na lang ang pansin sa nilalarong plants vs. zombie.

Pero rinig ko kasi kagabi ‘yung tsismis ni Ate Saleng at Nanay Ising. Hindi naman sa ayaw ako ni Ate Saleng, ganon lang siguro talaga kapag galing sa probinsiya, ginagawang libanagan ang kwentuhan. At saka hindi naman siya nagsasabi ng masasama sa akin, eh. Sinabi niya lang na baka boyfriend ko si Gab dahil paniguradong naikwento na iyon ni Mang Ador sa kanila.

Si Mang Ador kasi ang laging nakakakita sa kaniya. Nagpaalam na rin ako kay Mang Ador nang ibaba niya ako sa tapat ng school gate. Gaya nang nakagawian, tumungo muna ako sa cafeteria. I’m in the middle of searching my purse inside my bag while I waited for my drink.

“Narinig niyo na ba?” narinig kong sabi ng isang student sa likod ko. Hindi ko na lang pinansin ‘yon.

“Thank you.” nginitian ko ang nagtitinda.

“Ano ‘yun?” sabi naman ng katabi ng babaeng katabi nito. I hate eavesdropping so I walked my way outside the cafeteria. Pero hindi pa ako nakakalayo ay nagsalita nanaman ang isa na nakapagpatigil sa akin.

“Si Aron expelled na daw!” pabulong pero madiin nitong sabi. Expelled? Bakit siya na-expelled? Buong buhay ko hindi pa ako nagka-interesado sa tsismis. Pero para bang hinihila ako ng bad side kong makinig.

"Oh? Yung top 5 sa grade 12?"

"Oo."

Umiling ako habang sumisipsip sa straw ng chuckie. Nag-umpisa na akong maglakad palabas. Fake news lang ‘yan. Isa sa mga disciplined student si Aron, kahit na may ginawa siya sa akin, maganda ang records niya at never pa siyang nag-cutting simula nang maging kaklase kami.

Pero iba na ang tingin ko sa kaniya ngayon.

It’s been years since I transferred here and I might say that this hallway is the most peaceful way to our classroom, but it’s different now. It felt heavy and strange because, I’ve never felt discomfort here before. I just shrugged them off and made my approach to the classroom.

Pero kahit sa classroom ay sa akin sila nakatingin! Umupo na lang ako sa upuan ko, feeling uneasy. Nang lingunin ko ito, si Mariane na hawak ang cellphone niya.

“Bakit?” tanong ko. Rinig ko ang mga bulong sa paligid. “Nakita mo na ba?” tanong niya at umupo sa tabi kong upuan. Ano ba ang dapat kong makita? Ano bang meron sa mga titig nila? Bakit ganon sila makatingin sa akin? Parang nandidiri. Bigla na lang akong kinabahan kahit na alam ko naman sa sarili kong wala akong ginawa.

“Ang ano?” tanong ko. “Hindi ka pa updated?” hindi makapaniwalang sabi niya. “Kaya nga tinatanong ‘di ba?” balik sabi ko. May ginawa siya sa cellphone niya at pagkatapos n’un pinatingin sa akin.

“I thought Crisa Monica Ramirez was a soft and innocent girl, but she’s just like everyone else. Cheater.”

And the picture below was a picture of me standing in front of Aron while he holds the chuckie. The incident days ago! Pero hindi kita doon ang mukha ko sa sobrang labo. ‘Yung isa naman ay picture ko at ni Gab sa Haven Bar na naghahalikan!

Nanlaki ang mga mata ko sa nabasa! Someone claims me as a cheater! What the heck?!  Hindi nga kita masyado ‘yung first picture!
Sa sobrang gulo ng isip ko ay sinabunutan ko ang sariling buhok at napaluha na lang. I don’t want to point fingers and blame Aron kasi isang fake account ang ginamit. Sinabi ni Mariane na na-share ang post sa iba’t ibang groups ng campus. She even read the comments.

They called me, whore, cheater, hoe in disguise, and names I never knew I’d hear. Gusto ko na lang lamunin ng lupa sa sobrang hiya. Kahit pa hindi iyon totoo, pero dahil sa pag-halik ko kay Gabriel, parang hindi ko maitanggi ang sinasabi nila.

Sunod-sunod na luha ang nahulog sa mga mata ko. Narinig ko ang mga bulong sa paligid. It made me paranoid and anxious.

Narinig ko ang boses ni Marzh sa loob ng classroom, pinapalabas ang mga kaklase namin dahil may event sa gymnasium. Narinig ko rin ang angal ng iba pero mas naririnig doon ang boses ni Rhea.

“—be professional naman.” Sabi niya sa maarteng boses. Para bang wala na akong naging pake sa maingay na paligid dahil sa nararamdaman kong hiya.

“Hoy, Rhea. Kahit anong paraan namin nang pagbugaw sa’yo dito hindi ume-epekto. Pabida ka kasi.” Rinig kong sabi ni Mariane habang hinahaplos ang likod ko. “Whatever.”

“Hoy, kalahating Barney kalahating Ursula, huwag mo ‘kong inaano dito ingrown lang kita!” pagkatapos ng sigaw ni Mariane ay tumahimik na rin ang paligid.

“Lilipas din ‘yan, Monica. Hindi naman totoo ‘yung mga sinabi nila, eh.” I heard Marzh said while tying my hair up in a ponytail. Nakakahiya talaga, sobra.

“Totoo kasi ‘yung pangalawang picture…” I sniffed and chased my breath. “Kahit na! Kiss lang naman ‘yon, eh. Normal lang ‘yun sa generation natin. ‘Yung iba nga hindi na virgin. Kaya huwag ka nang umiyak.” Mariane kept on drying my tears with a handkerchief.

“P-pero nakakahiya. Tinawag nila akong pokpok.” Umiiyak pa ring sabi ko. Halos hindi na ako makahinga sa patuloy na pagtulo ng luha ko.

“Si Marzh nga pokpok rin, kaya ayos lang maging pokpok basta hindi buntis.” Kahit papaano’y gumaan ang pakiramdam ko sa jokes ni Mariane, pero nahihiya pa rin ako sa mga naka-post sa social media. Laging sinasabi sa akin nina Mommy na huwag akong magbo-boyfriend, wala nga akong boyfriend, pero wala na ang first kiss ko. Alam kong madi-disappoint sila sa akin ‘pag nalaman nila.

Ayokong malaman nilang ang unica hija nila ay kung saan-saang bar nakakapunta at may kahalikang iba, and I’m still a minor! Next year pa ako magde-debut! Panigurado talagang magagalit sila sa akin, worst ikulong ako sa kwarto!

“Paano ‘pag nalaman nila Mommy?” napatingin ako sa kanilang dalawa.

“Ayokong malaman nila! Baka ikulong ako sa kwarto at mag-home school! Ayoko ng ganon, ayoko.” Umiling-iling ako and I immediately felt the warm liquid building on my eyes. I can’t imagine myself home schooling. Hindi ko kakayanin.

“Made-delete na ni Una ‘yung post bago pa makita ng parents mo. Don’t worry.” Kahit na ganon ay hindi pa rin ako napanatag. What if may mga students na nagscreenshot and reposted it? Oh, dear God.

“Huwag ka nga mag-isip ng kung ano-ano. It’d be deleted in any seconds now,” tsaka niya tiningnan ang phone niya.

“Oh. Parang ang bilis naman ata, it’s now deleted.” Nakita kong deleted na nga. Medyo kumalma ako sa pinakita niya. Pero hindi ko na alam ang ipapakita kong mukha sa labas pagkatapos nito. Kahit pamay mga kaibigan akong magtatanggol sa akin, I still feel embarrassed and ashamed of what just happened.

Baka ma-expel pa ako dahil sa nangyari. I sighed.

W A N D E R

Dare Me To Love You (ITL Series #1) |COMPLETE Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon