Dare 5

1.5K 42 0
                                    

CHAPTER 5
MONICA
IT is now or never. I'm going to make my move. Ready yourself for my aim, Gabriel Santos. Matagal ko nang pinag-iisipan ang ibabato kong move sa kanya, hindi ako nagpatulong sa kahit na sino.

I prepared this myself. Buwis buhay ito (well not totally), tutal wala naman na ang first kiss ko, bahala na. Ngayon palang kinakabahan na ako sa kung anong pwede'ng mangyari. Natutulala na ako dahil sa iniisip kong plano para makabawi.

You can do it, Monica! Isa kang Ramirez! Follow your mind, because this time your heart will be your villain!

Nagkanya-kanya na kaming punta sa aming mga major. At dahil music major ako ay dumeretso na ako pakaliwa papuntang classroom namin. Magkakaiba kami ng majors ng mga kaibigan ko.

Si Sam ay sa Dance Major, si Yana ay sa Theater Arts, si Una sa Media Arts, Si Marzh sa Creative Writing, si Mariane sa Visual Arts, at ako sa Music Major. Kahit na senior high na ay may mga majors pa rin kami. It’s like a club that you can join in, but we’re on the same strands; ABM. Napag-usapan naming mga kaibigan na mag-ABM since it’s close to business.

Nasa locker na ako na malapit lang sa classroom ng Music Major. Natatakpan ang mukha ko sa kanang bahagi ng hallway dahil sa nakabukas na pintuan ng locker ko.

"Gab, saan ka mamaya?" rinig kong sabi ni Jeus sa ilang pulgadang locker. Narinig kong binuksan niya ang locker niya. Hindi naman malayo ang locker ng boys at girls dahil magkatabi lang ito, kaya rinig na rinig ko kahit ang mga paghinga nila (figurative speaking.)

"Ewan. Siguro sa Haven." Haven? Doon nangyari yung hindi inaasahang pangyayari ah?

Perfect! Saktong sakto sa plano! Thank you, fate, dahil sayo mag-sa-succeed ang plano! Napangiti ako sa gitna ng pagi-isip. Sana talaga magtagumpay dahil isa-sakripisyo ko nanaman ang isa sa mga bagay na pinakaiingat-ingatan ko.

Kakausapin ko nalang ang pinsan ko mamaya... at isa ang pinsan ko sa mga kaibigan niya, that's the good thing. Malapit lang naman sa village ang bahay nila tita Kieth.

"Mauna na ako." rinig kong sabi ni Gabriel. "Sige may hahanapin lang ako dito sa locker." Sagot ni Jeus. Pwede namang ngayon na?

"Freedom!" Sabi ko at isinara ang locker. Nakangiti kong tinignan ang pinsan kong si Jeus Freedom Alvarez. He’s Tita Kieth’s son.

Half Spanish half Filipino itong pinsan ko pero hindi halata. Maputi kasi siya siguro namana niya kay tita yung kutis niya.

Ngayon lang ulit kami nagkausap dahil nag-away kami nuong summer. He pushed me to a pool in Switzerland! So I pushed him back that was really funny. I should've taken a picture of him.

"What is it?" nabo-bored niyang sabi habang may kinakalkal siya sa locker niya. "Fuck where is it?!" galit niyang sabi at mas kinalkal pang maigi ang locker niya.

Nang mapagod siya ay napabuntong hininga siya. "You're looking for this?" sabi ko at itinaas ang tatlong kasing laki ng jackstone na bola. Tatlo yon eh, pinagsama sama gamit ang rubber na tali.

Nakita ko na iyon, doon sa fifty shades darker. Saan naman kaya niya ginagamit iyon? Don't tell me sa sarili niya? Yuck! Imagining him using that? Disgusting!

"Give me that!" sinubukan niyang kunin iyon sakin pero tinago ko iyon sa bag ko. "What the--?!" his eyebrows creased and I know that he is near on being a madman. "What do you want?" pagsusuko niya.

"I've heard that Gabriel Santos is going to Haven tonight." Sabi ko. He rolled his eyeballs like a bored playboy. "So? Don't tell me you like him?" tanong niya. Play, Monica!

"Yes..." kunwari kong pag-amin. Pero ang totoo nagwa-gwapuhan lang ako sa kanya. Infatuation lang, okay? Tumingin sa likod paligid si Jeus bago siya bumulong sa akin. "Monica! He's a playboy!" kahit na mortal kong kaaway itong pinsan kong ito ay alam kong mahal na mahal ako niyan!

Dare Me To Love You (ITL Series #1) |COMPLETE Where stories live. Discover now