This Is Not The End

408 11 0
                                    

THIS IS NOT THE END

After almost a year of revising this story, thank you for joining me with my ventures. Thank you to my dearest best friend, Crisa Monica for letting me use her name and also to my besties for layf HAHAHAH. Sa walang sawang nagko-comment ng "kailan po next update" tapos sasagutin ko ng "try ko po later", na ang ibig sabihin ay 'forever'; still, thank you, dear readers. See you on DMTLY's book 2! Doon matutuloy ang escapades ni Monica at Gab, mga fersons here na may big impact pala, and ang final epilogue. This isn't the end, Tourists, this is just a beginning.

MONICA

FOR THE LAST TWO DAYS I felt depress and indisposed, but now... entering Gabriel's car, the air feels crestfallen as I breathe on his strong masculine scent. I opt not to look on his reflection on the mirror, instead I laid my eyes on his driver that looked somewhat familiar.

Mas kumunot ang nuo ko ng tumingin siya sa akin sa rear-view mirror na parang may sinasabi siya sa akin na hindi ko mawari. Ibinaling ko ang tingin sa iba at nakita ko ngang nakatingin sa akin ang kulay asul na mga mata ni Gabriel.

Tumingin ako kay Gabriel na malungkot na tumingin sa akin, I extended my arms to invite him for a hug. Mabilis naman siyang lumapit sa akin at niyakap ako ng sobrang higpit na para bang ayaw na niyang umalis. I wanted to ask him that, I want to ask him why. Bakit kailangan pa niyang umalis? Bakit ayaw niya akong isama? Kahit pa alam ko ang mga sagot sa sariling mga katanungan.

"Pwede naman tayong mag-usap through phone call, 'di ba?" malungkot kong tanong at ramdam ko ang pagtango niya. I know that we'll see each other after a long time yet I feel like it's for a lifetime. But letting him go is a road that should be taken and as much as I wanted him to stay, I can't control his future. Para sa pangarap naming dalawa 'to, para sa future namin.

"Call me every day, okay?" sabi ko sa kaniya at pinigilan ang luhang nagbabadiyang tumulo. "Text me, too." Sabi niya habang hinahaplos ang ulo ko. Patuloy kaming nagpalitan ng mga salita habang yakap ang isa't isa.

"I will, call me if you find someone better than me there." Natatawa kong biro kahit pa alam kong hindi niya magagawang maghanap ng iba, that's how much I trust him. "Why would I find someone beetter if I have the best here."natawa siya ng mahina at bagama't sunod-sunod ang pagtulo ng luha ko'y sumabay ako sa pagtawa sa kaniya.

He then sighed and tighten his embrace more. "Ikaw lang, Monica. Ikaw lang." he whispered in repetition until I get satisfied with it. Yet no matter how many times he whisper those words to me, I wouldn't get tired of hearing it again and again.

NANG MAKARATING SA airport ay dumeretso kami sa private airplane ng mga Santos.

Nadatnan ko doon si Luis at Marzh, I'm not surprised that they're together again. We all know that Marzh works for the Floros for her part time job while studying. Naka-kapit ako sa braso ni Gabriel habang papalapit kami sa kinaroroonan ng dalawa. Malungkot akong ngumiti kay Marzh at tinanggal ang kamay ko sa braso ni Gab para mayakap niya ang kaibigan.

"See you soon, Santos." hearing those words from Luis makes my eyes teary. Kinagat ko ang labi ko para pigilan iyon pero hindi ko talaga mapigilan, kaya tumulo na ito ng tuluyan. At kahit ilang beses kong punasan ang mga luha ay patuloy pa rin itong tumutulo. He really is leaving now. Hindi lang panaginip ito.

Inakbayan ako ni Marzh at mahinang pinisil-pisil ang balikat ko. Nagkatinginan kami ng kaibigan ko at malungkot akong ngumiti sa kaniya, she flashed a comforting smile that made me calm somehow but the feeling of incomplete inside me did not vanish, it stayed.

Nang humarap sa akin si Gabriel ay masuyo niya akong niyakap. Ngayon ko na gustong ipabagal ang oras. Ayoko pang umalis siya, gusto ko pa siyang mahawakan, mayakap, mahalikan, makasama ng mas matagal.

My heart beats on a fast pace causing my knees to wobble. I hate this kind of pace, it aches and breaks my heart. I wish I had more time to spend with him. Indeed love has no limitations but it has time... perhaps, love is not the right moment for us right now and all we need to do was to wait... wait for the right time.

"Remember our promises, babe." Natatawa pero umiiyak kong sabi sa kaniya. Sinubukan kong kabisaduhin ang init ng pakiramdam sa tuwing yayakapin niya ako, para kahit unan na lang ang yakap ko... siya ang naiisip ko.

"I'll mark our promises in my heart." hinalik-halikan niya ang buhok ko at masuyo iyong hinahaplos. "Always remember, babe, Ikaw lang,"

"I love you." paulit ulit niyang sinabi iyon habang hinahalikan ang buhok ko dahil hindi ako makapagsalita dala ng iyak.

Iniangat niya ang mukha ko at marahan niyang hinalikan ang aking mga labi. Hindi ko makakalimutan ang mga sandaling ito, ang mga sandaling nakadampi ang labi namin. Hindi ko malilimutan ang lalaking unang nagpatibok ng puso ko at ang lalaking pinangakuan ko buong buhay ko.

Nang maghiwalay ang aming mga labi ay dinampian niya pa iyon ng mabilis na halik saka dinampian ang aking nuo.

"Gab, it's time." Sabi ni Luis at tinapik ang balikat ni Gabriel. "I need to go, take care. I love you." I know that I can't stop him from leaving, kaya pinabayaan ko na lang siyang maglakad palayo sa akin kahit na nasasaktan ako sa isiping matagal nanaman kaming magkikita.

Lumapit sa akin si Marzh at niyakap ako. Tahimik akong umiyak habang yakap ko si Marzh.

Hindi ako magsasawang hintayin ka, I will wait until it's time. And when the right time comes, I will love you more than yesterday, I will trust you with all my heart, and I will give all of my time just to spend it with you.

INIHABILIN AKO NI Gab sa driver niya. Hindi naman daw harmful ang driver niya, so I trusted him just like how Gab trusted him. Pagkasakay ko sa kotse ay nginitian ako ng driver.

Alam ko talagang nakita ko na siya, eh, nakalimutan ko lang kung saan. "You've seen me before, don't you?" bigla niyang tanong habang inii-start ang kotse.

Hindi ako sumagot at pinakititigan siya. He's so familiar. Bigla na lang siyang tumawa at nagsalita, "I'm Logan, Miss Ramirez."

And I remembered where I met him. Nanlaki ang mga mata ko at bumuntong-hininga, I knew it! Doon ko siya nakita.

Hindi ako kinabahan with him around dahil alam kong hindi niya ako ipapahamak. "Now I remember you..." sabi ko na lang at hinayaan siyang iuwi ako sa bahay.

W A N D E R

Dare Me To Love You (ITL Series #1) |COMPLETE Where stories live. Discover now