Dare 7

1.3K 41 5
                                    

CHAPTER 7
MONICA

HMM? Sino naman kaya sa mga secret admirer ko ang naglagay ng Chuckie sa bag ko? Sino naman ang may tapang na maglagay ng chuckie dito? Iinumin ko ba? Baka kasi may gayuma, eh.

I looked at the box of it, every inch of it. Hmm? Wala namang butas or traces na binuksan ito. Tinignan ko yung straw, baka kase pinahiran sa loob ng gayuma. Pero, nothing. If ever I drink this and get a strange reaction to my body, I'll think that the culprit is so smart that he (or even she) did not let any traces on this drink.

"Hoy, babae! Anong problema mo diyan sa chuckie? Crush mo?" Tanong ni Mariane habang nagsusuklay ng buhol-buhol nitong buhok. Para siyang nakipagsabunutan, kulot kasi siya. She tried to make her hair straight by ironing but her split-ends just showed.

"Huh? Bumili ka ba ng chuckie kanina sa canteen, Monica?" Tanong naman ni Sam habang binubuklat ang libro ni Yana'ng, Human Anatomy.

"Pumunta kayong cafeteria ng hindi ako tinatawag?" Tanong ni Mariane at bahagya pang nanlaki ang mga mata matapos niyang ihampas sa wooden table ang suklay.

"Hindi niyo pa ako sinama!" Reklamo ni Mariane. Ayan, nagta-tantrums nanaman.

"Bakit ah? Siguro crush mo 'yung cashier 'dun." Sabi ni Sam. Tumingin kaming lahat sa kanya.

"Ang pogi kaya niya." Hinampahampas niya ang balikat ng nananahimik na Marzh habang tumitili. Hays, bakit ang hilig nito sa bakla?

"Shunga! Barbie 'yun!" Sabi ni Sam at binuklat ang libro saka nagsimulang magbasa. He doesn't like reading, though. Sabi niya ay nakakatulog daw siya tuwing nagbabasa.

"Kaya ko nga siya naging crush dahil isa siyang barbie!" Sabi nya at tumili pa ng napakalakas na naging sanhi ng pagtingin sa amin ng students na nasa oval kung nasaan kami ngayon.

Bumuntong hininga nalang kami. "So kanino galing 'yan?" Tanong ni Marzh.

"Ewan." Nagkibit-balikat ako. Iniisip ko pa din kung kanino galing ito. Inilagay ko ang daliri ko sa aking baba at nag-isip nang mabuti. Baka kumuha ako kaninang umaga ng chuckie sa ref, pero alam 'kong hindi eh.

"Napansin ko din kaninang nakabukas 'yung bag mo." Sabi ni Sam. Isinara niya ang librong binabasa niya at tumingin sa akin. With her right hand, she placed her elbow on the cemented table and her hand held her face.

"Eh, bakit hindi mo sinara bago ko pa isinara?" Nababahalang tanong ko. "Akala ko kase style. Kaya pinabayaan ko." Pagbibiro niya sabay tawa.

"Akin na nga 'yan!" Kinuha ni Mariane ang chuckie sa kamay ko. Akmang babawiin ko na iyon nang itinusok niya ang straw sabay inom.

Nakaawang ang labi ko ng makitang sarap na sarap pa sya sa paginom na parang ordinaryong inumin lang ang iniinom niya.

My 'gorgeous' face was worried as hell. "Bakit kasi ang tagal mong ininom? Eh, 'di sana itong straw'ng kinakagat-kagat ko ngayon ay sinisipsip mo na." Pagdadahilan pa ni Mariane habang nilalaro ang straw na nakatusok sa inumin.

"I was just thinking na baka may gayuma 'yan! You know! Maybe they want to have me!" I said but they're calm like I said something stupid.

"Ugh! Why would they put gayuma here? Wala nama'ng nagkakagusto sayo." I looked flatly at her. For the last 4 years, Mariane. Kasama kita habang nili-libre tayo ng mga manli-ligaw ko ng lunch.

"Maraming nagkakagusto diyan. 'Yung mga construction worker dun sa ginagawang classroom, 'yung guard ng school, at 'yung librarian." Sabi ni Marzh at sabay-sabay silang natawa.

Oo, madalas nilang sabihin na ang ganda ko daw. Pero 'yung mga classmate naming mukhang pokpok, eh sinasabihan ako ng model-model ng Playboy's Magazine! Ugh, the audacity of those b*tches.

Dare Me To Love You (ITL Series #1) |COMPLETE Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ