Dare 32

400 9 0
                                    


WARNING! huwag kayong tanga at gawing reality itong imahinasyon ng iyong yours truly. huwag kang magba-bar kung minor ka pa flis. huwag iinom pag ndi mo kaya sarili mo (this rule is not applicable to minors). please lang wag tanga flisT_TT_T 


CHAPTER 32

MONICA

"'YAN! Inom pa. Masarap 'di ba?" sermon sa akin ni Mariane habang sumusuka ako sa CR. Hawak niya ang buhok ko at marahang hinahaplos ang likod ko. Siya kasi ang unang nagising ng dumeretso ako sa CR. Feeling ko naisuka ko na pati organs ko!

"'Nyare?" tanong ni Marzh pagkapasok niya ng CR at may hawak na toothbrush. "Ayan, uminom daw kagabi. Dios mio, Monica, anong trip mo? Ha?"

Nang matapos akong sumuka ay dumeretso ako sa sink para magmumog. Itinali ko ang buhok ko at naghilamos. Literally shrugging off Mariane's scolds. Last night was exhausting, I'm not yet ready for an aftermath headache.

"Saan ba kasi kayo nagsususuot ni Sam kagabi?" tanong naman ni Una pagkalabas ko ng CR. Pagod akong naupo sa kama at hindi sinagot ang kahit na sino sa kanila, there was something in me that wants silence and peace of mind in the middle of a soul-wrecking aches.

"Anong plano natin ngayong araw?" umupo silang lahat sa kama, gathering like it was an important meeting. They wanted everything to be exaggerated and over acting. Nonetheless, I don't hate that, because I can be sometimes over dramatic, too.

It was almost an hour of talking, suggesting, searching for a place, and chismis. A topic about a game that our school planned was suddenly opened. Nagtinginan kaming lahat.

"Punta pa tayo?" Sam asked. We all looked at her. A part of me wants to go, but I really just want to lay down. And it doesn't sound so adventurous nor exciting at all.

"Huwag na, katamad. Baka bigla tayong palanguyin sa dagat tapos unang makahanap ng piso ang panalo." ani Mariane at humiga sa kama.

"Eh, wala naman tayong gagawin ngayong araw, 'di ba?" words just slipped through my mouth. I didn't know where it came from.

Tumango-tango na lang sila, convinced with what I've said. Well? There's no turning back, nasabi ko na, I can't take it back. I squinted my eyes when I felt a pang of pain on my head, bigla akong nagsisi sa mga desisyon ko sa buhay.

"Mamayang 1 PM pa raw 'yung laro. Kain muna tayo." Marzh stoop up and ran to the bathroom. Pumasok din si Mariane sa loob ng banyo, baka sasabay na siyang maliligo kay Marzh. Iisa lang ang bathroom ng suite na 'to, knowing Marzh, walang kahihiyan sa katawan 'yan. Hindi siya nahihiyang magpalit ng damit sa harap naming magkakaibigan. I don't mind, we've been friends for years, why should I be shy?

Nag-ayos na kaming lahat. Ni-suggest ni Una na mag-jog muna kami dahil maaga pa naman, balak din naming panoorin ang pinagmamalaki ng isla. Their sunrise. I heard the morning skies here are to die for.

I made it all simple. I wore my favorite gray legging and paired it with gray sports bra, slipped on a pair of white sneakers and an oversize white jacket. Finishing off with a quick ponytail.

Ayos na din silang lahat at ang iba ay nag-pipinggol. Pinahiraman nila si Yana ng susuotin dahil halos lahat ng damit niya ay puro pajamas at pangtulog.

Kahit na inaantok pa ako ay nakisabay nalang ako sa kanila sa pagja-jogging. Humikab-hikab ako habang tumatakbo. Nasa huli ako ng pila habang nagja-jogging kami.

"Monica, bilisan mo!" sabi ni Sam sa akin. Binilisan ko nga ang pagtakbo para makahabol sa kanila ngunit bumagal ang takbo ko ng makita ang grupo ng lalaki.

Dare Me To Love You (ITL Series #1) |COMPLETE Where stories live. Discover now