1 : The Identity

214K 4.2K 497
                                    


Nothing's more important than keeping my identity a secret - Iza

-----

Iza

Annual university intramurals ngayon kaya busy ang lahat. The Jaguars are also busy. Halos lahat may ginagawa. Nakakahilo na minsan na madaming tao.

Mabilis akong nagbihis kahit na matagal akong magbihis.

Sadyang matagal akong magbihis dahil sa marami kong kailangang itago. I have to hide my breasts. I have to double my shirt to hide my curve. Pati 'tong matambok kong puwet kailangan ko ding itago. Ang hirap pala magpanggap na bakla. Kahit mag gym ako para magkaroon manlang ako ng muscle ay mukhang walang epekto sa akin. Paano kase, halos once a month ko lang ata ginagawa dahil sa sobrang hectic na schedule sa university.

" Gooo Jaguars!" Ang ingay dito sa loob ng gym. Sobra. Parang wala ka ng ibang marinig kundi tili ng mga babae.

" Miguel marry me!"

" Kiefer date me please!"

" Shannon ako na lang!"

" Kyle please be my boyfriend!"

" Gigs be mine!" Oh god! Hindi ko na kaya 'tong mga babaeng 'to.

" Tskk grabe talaga. Parang ang guguwapo naman nila masyado para pagkaguluhan ng mga babaeng 'to" Kim said. I perfectly agree to that. But I cannot do that. Bakla ako sa paningin nila. I should act as one.

" Girl. Ang guguwapo kaya nila. Tignan mo si papa Miguel, jaw dropping ang hotness niya. Tapos si Kiefer, bra dropping ang handsomeness niya. Si Shannon, ayun oh nakatingin sa 'yo. Si Kyle kahit badtrip na naman atleast guwapo parin." Wika ko kay Kim. Napasimangot siya.

" E si Gigs?" Tanong niya

" Uhm uhm panty-dropping?" What the heck, Iza! Ano bang pinagsasasabi ko sa kaniya.
Pinagtawanan tuloy niya ako.

" Ay bet ko iyan" She said. Ako naman ngayon ang napasimangot sa sinabi niya.

Maslumakas ang hiyawan sa loob ng gym ng maka 3-point shot si Miguel. Talagang ang galing ng lalaking iyun eh basta't nandito si Sabina parang feeling ko talaga gumagaling 'tong si Miguel eh.

Kada 3-point shot ni Miguel napapatingin siya kay Sabina na ngayon ay may katext. Ayun tuloy mukhang badtrip na naman 'tong Zarate na 'to.

" Huy Sab, tigil tigilan mo na nga iyang phone mo at tumingin ka sa court. Badtrip na naman si papa Miguel diyan sa ginagawa mo eh" Shit! Ang landi ko! Kada tawag ko ng papa kay Miguel nasusuka ako. Pero seryoso kase, ni minsan hindi ako nagkagusto sa kahit isa sa mga Jaguar na ito. Isang taon nalang kase, magtatapos na ako. Hindi ko 'to puwedeng sirain lamang dahil umibig ako sa isa sa kanila. I seriously cannot.

Mabilis natapos ang laro. Hindi na kailangang patagalin pa dahil masyado ng malaki ang lamang ng mga Jaguars sa kalaban.

" Huy Ms. Sexy!" Napamura na lamang ako ng marinig ko ang boses ni Gigs. Paalis na sana ako eh. May sasaglitin pa sana ako sa canteen.

Tskk

" Yes Babe!" Sigaw ko pabalik. Oh my gosh! Talagang pinapanindigan ko ang ginagawa ko ngayon sa kaniya.

" Halika picture tayo" Wika niya sabay kindat. Ay landede ng Gigs na 'to ngayon porket nanalo na naman sila.

" Feelingero mo naman Babe! I know you're guwapo pero okay na din sa akin ang konting landi factor" Untag ko sabay lakad palapit sa kaniya. I did the usual. Kapag bakla, wala ng pakipakipot, go na agad, laban na. Now na!

Concealed Identity (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon