18 : The Problem

128K 2.6K 124
                                    


Alam kong napapagod na siya - Iza

-----

Iza

The next days became hectic for us. Si Gigs naging busy ulit sa trabaho pero tuwing gabi ay magkasama naman kami.

Halos isang buwan na ang nakakalipas. Everything was fine except that I usually find Gigs busy all the time. Madalas siyang may meeting sa kumpaniya niya. Madalas din siyang mag out of the country. Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kayaman ang lalaking kinakasama ko. He's the owner of a billion dollar worth of car and oil company. Kung titignan ko kase siya parang simpleng basketbolista lang siya. I never thought that he is this rich. Mag isa lang siyang anak kaya siya lahat gumagawa, siya ang nagtatrabaho para sa kumpaniyang pinamana sa kaniya ng kaniyang pamilya.

He always comes late at night. Ang palagi niyang dahilan sa akin ay marami daw inasikaso sa opisina. Ang sabi niya sa akin noon kung may problema magsasabi siya. Hindi iyung parang sinasarili lang niya ang lahat. Akala ba niya hindi ko napapansin?

Napatingin ako sa orasan, it's already ten in the evening but he is not yet home. I sighed as I tried to call him.

Two rings and he answered it.

" Babe, miss mo na ako?" There was a hint of tireness but happiness at the same time.

" Oo naman. Palagi ko namang miss iyang boses mo" Wika ko sa kaniya ng walang bahid ng pagsisinungaling.

" Gigs, uuwi ka ba dito ngayong gabi?" I asked. Para naman alam ko. Baka maghihintay ako ng wala.

" Yes Babe. I will always come home to you. Kailan ba ako hindi umuwi sa 'yo? I miss you. Patapos na ang meeting, just a little more then I'll come home to you" He said like it was a promise. I smiled. Kailan nga naman hindi siya umuwi? He always comes home to me no matter what.

" Okay Gigs, I'll be waiting for you." I yawned. Gusto ko ng matulog pero masgusto kong hintayin si Gigs. Konting oras lang naman na daw at uuwi na siya.

Almost thirty minutes after, narinig kong bumukas ang pintuan at mga yabag na ni Gigs ang narinig ko pagkatapos.

" Hey Babe! Pakiss nga" Masaya niyang bati sa akin sabay halik sa labi ko. Nadatnan niya ako sa kuwarto dahil nakahiga na ako habang hinihintay siya. Hinalikan ko naman siya pabalik at naglaplapan pa talaga kami. Ang landi ko! Alam ko naman. Pero malandi ba ang tawag mo sa akin kung isang lalaki lang nilalandi ko?

" Sorry, natagalan ang meeting namin. I need to close a deal with a foreign investor." He said while kissing me.

" Pagod ka na nga. Maligo ka na at magpahinga. Nagpainit na ako ng panligo mo nasa banyo na tapos inihanda ko na din iyung damit mo" I told him. Maslalong humigpit ang pagkakayakap ko kay Gigs. Hindi ko alam pero namiss ko siya. Kahit palagi naman kaming nag-uusap sa gabi. Palagi din niya akong inihahatid tuwing umaga.

Tumingin ako sa mga mata niya. Kahit pagod na siya ay ang guwapo guwapo parin niya sa mga mata ko. His handsomeness never fades. Parang permanente na iyun sa mukha niya.

" Guwapo mo!" I pinched his nose as I gave him a peck. Tumawa lang siya ng napakalakas.

" Ikaw ah. Palagi mo na akong namimiss porket maspalagi kitang namimiss." He said. Tinulak tulak ko na siya papuntang banyo kaso kase parang nagpipigil pa itong pumunta ng banyo.

" Kumain ka na ba?" Tanong ko. Baka hindi pa siya kumakain.

Isang tango ang naging sagot niya.

Concealed Identity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now