6 : The Job

123K 3.2K 669
                                    


Nagwork ako sa bank siya naman sa isang car company. Siya daw CEO. Kung pinagpalad ka nga naman - Iza

-----

Iza

This is the day!

Eto na iyung pinakahinihintay kong araw.

First day of work ko na!

Shempre dahil first day of work ko, magpapahatid ako kay Gigs

Kinuha ko iyung Iphone ko at tinawagan si Greggy Boy.

" Babe pahatid ako please. Diyan lang sa tabing bangko. Uhm mga 7 kilometers away from my place I think. Babe bilisan mo ha. 6:00 na baka maleyt ako. Traffic sa EDSA" Inartehan ko ang pagkakasabi ko nun.

" Busy ako. Magtaxi ka nalang" Hala siya!

" Babe naman. First day of work ko kaya dapat maihatid mo ako sa working place ko. Pakitell kay Miranda na gawin muna kitang driver today. Ay dibale nalang Babe. Ako nalang tatawag sa kaniya para masaya" Ayaw niya kase. Ayun tuloy gagamitin ko si Miranda niya. Hanep din e no. Tumagal nga sila. Couple goals lang din sila. Bet ko sila actually. Bagay naman talaga iyung dalawang iyun.

" No. Don't call her. She's still asleep. Ano ba naman Isagani ang aga aga dinidistorbo mo ako" Galit niyang wika sa akin.

" Tignan mo 'to. Kung si Miranda papahatid kahit pa 4 oclock iyan ng madaling araw G na G ka tapos kapag ako ayaw mo. Babe naman, sobrang favoritism naman na niyan" I acted like I was hurt.

Shit maleleyt na talaga ako. I swear pagkatapos ng trabaho mamaya maghahanap na ako ng malapit ng boarding house. Ang layo naman kase ng boading house ko sa bangko. Tapos kapag inabutan pa ako ng traffic wala na. Ubos na pera ko. Di naman ako kagaya niya na may kotse eh.

" Uy Babe sige na please promise tenth to the last na talaga 'to." Nagdrama pa ako.

Sige na Gregoryo bumangon ka na diyan! Hindi na 'to joke!

" Gising na Babe. Gising gising. Stretching stretching!" Masigla kong wika sa kaniya.

Narinig ko siyang umungol bago ako sinagot.

" Babe sarap mo umungol. Ah ah sarap ah Babe ah" Umungol din ako pantrip ko lang sa kaniya ba.

" I'll be there. Huwag kang maarte diyan. And stop moaning. Ang laswa pakinggan. Hintayin mo ako. Darating ako. Pag may manyak, suntukin mo." Sunod sunod niyang wika sa akin. Tignan mo iyun, di manlang ginanahan sa ungol ko.

" Yes, daddy" I faked a giggle. Like eww nerr!

" Isagani!" Hala galit na si fafa niyo Gregoryo!

Mabilis akong nag-ayos. Shempre nagpaganda ako ng bongga dahil baka bisitahin kami nung manager mamaya. Ayoko namang magmukhang loshang sa paningin nung manager eh. Buti nalang talaga magaling akong maglagay ng make up kaya walang problema.

Lumipas ang dalawang minuto pero wala pa si Gigs kaya tinawagan ko ulit siya

" Babe saan na yu dito na mi" Antagal promise. Parang pagong siguro magdrive nung Greggy Boy na iyun.

" Maghintay ka Isagani. Hindi ko maiwan iwan si Miranda kase may lagnat" Aww so sweet naman.

" Hoy Greggy Boy hindi iyan mamamatay kahit pa iwan mo ng ilang sandali. Promise after mo ako ihatid balik ka na diyan. Sige na Babe, dalian mo na. Maleleyt na talaga ako sa work ko. Sige ka di kita ililibre sa first sweldo ko" 6:30 na po! Ang tagal niya. Puwede naman akong magtaxi kaso am mahal talaga. Ayokong mapagastos kung nandiyan naman si Gigs. Why taxi when your Babe have a car? Why? So basically use the resources available. Use Greggy boy!

Concealed Identity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now