33 : The Stranger

95.6K 3.3K 922
                                    


May bisita - Iza

-----

Iza

PASADO ALAS KUWATRO na ng hapon ng umuwi ako kasama si Savi. Galing ako sa paglalaba kina Aling Nena at inabutan na ng hapon dahil sa tambak na labada nito. Medyo masakit na din iyung kamay ko sa kakakuskos sa mga damit na pinalaba niya sa akin.

Hindi ako natanggap dun kila Aling Pacing dahil puno na daw at madami na sila dun.

Okay lang naman sa akin. May iba pa naman akong pagkikitaan bukod dun. Siguro ay sa paglalaba muna ako kukuha ng panggastos namin

Nagsaing na ako ng bigas na binili ko gamit iyung pera na binayad sa akin kanina. May binili din akong karne ng manok na pang ulam namin.

Kasalukuyan akong nag-aayos ng kusina ng marinig ko ang boses ni Savi.

" Mama" Umuwing umiiyak ang anak ko. May sugat din ito sa tuhod. Agad kong nilapitan ang aking anak at niyakap ito upang patahanin sa pag-iyak.

" Anak sinong gumawa niyo sa 'yo?" Tanong ko.

" Mama kase tumatakbo ako kanina tapos natisod ako. Mama masakit" Iyak sa akin ng anak ko.

Pinunasan ko na iyung luha mula sa kaniya mga mata bago ko siya binuhat papuntang kuwarto.

Dun ko siya nilinisan. Ayokong nakikitang umiiyak ang anak ko at nasasaktan. Bilang isang ina ay nasasaktan din ako. Kahit mahirap lang kami ay ginagawa ko ang makakaya ko para itaguyod ang aking anak. Lumaki siyang walang kinikilalang totoong tatay kaya nagsisikap akong tugunan ang kakulangang iyon.

May mga pagkakataon din na nagtatanong siya sa akin kung sino ang totoo niyang ama. Wala naman akong masagot sa kaniya dahil ako man ay hindi ko din kilala kung sino.

Nilagyan ko ng band aid iyung sugat sa paa niya pagkatapos ko itong nilinisan.

" Anak huwag ka na munang lumabas ulit. Samahan mo muna si mama dito ha" Wika ko sabay halik sa pisngi ng anak ko. Mukhang wala din naman na siyang balak umalis pa kaya hinayaan ko na siyang umupo sa mesa. Kinuha niya iyung coloring book niya na binili ni Nay Flora sa palengke pati narin iyung krayola niya at nagsimulang magkolor.

Pinagpatuloy ko ang pag-aayos sa kusina ng makita kong okay na siya.

Tinolang manok ang lulutuin ko ngayon.

LUMIPAS ang isang oras pa bago ako nagsimulang maghiwa ng sayote para sa lulutuin kong tinola ng may marinig akong katok mula sa labas.

" Mama may tao" Wika sa akin nung anak ko. Madami akong ginagawa sa kusina kaya hinayaan kong si Savi na ang magbukas nun.

Inihalo ko muna saglit iyung ginigisa kong manok bago ko ito takpan.

" Anak sino iyung kumatok?" Unti unti akong naglakad papunta sa pintuan at dun ko nakita si Savi na nakaangat ang tingin sa lalaking nasa pintuan.

Nakasuot ito ng pangbusinessman na polo. Maayos siya tignan at mukha pa itong mayaman. May itsura din at katulad ni Savi ay may matangos din na ilong.

" Iza" Iyun ang narinig ko mula sa kaniya.

" Uhm ano pong sadya ninyo sir?" Tanong ko sa lalaki. Gulat ang nakita ko sa kaniyang mga mata. His eyes averted to my five year old son and back to mine.

Nagulat na lamang ako ng biglaan niya akong yakapin.

Tinulak ko siya at hinawakan ang aking anak.

Concealed Identity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now