7 : The Visitor

123K 3.5K 693
                                    


Bad trip ngayon pa talaga dumating - Iza

-----

Iza

The night is so dark but the emptiness inside me still lingers through my soul.

Hanggang kailan Melissa? Hanggang kailan mo balak magpanggap? I am fully aware that I am in a risky situation and that I can never hide my identity forever. That's just the reality of life.

" Iza nandito na tayo." We're already at Gigs' place. Napukaw iyung pag-iisip ko ng marinig ko iyung boses ni Grasha.

We went out of Kiefer's car. Si Kiefer ang nagprisintang sunduin kami. Hindi na ako nagtaka pa dahil kasama ko si Grasha. Si Shannon naman ang sumundo kay Kim.

Ng makalabas na kami ng kotse ay diretso naming tinahak iyung daan papunta sa loob ng bahay ni Gigs. It wasn't a condo anymore. It was a mansion. Sa loob ng ilang buwan ay nakapagpatayo na agad si Gigs ng sarili niyang bahay. His huge mansion gates perfectly defines how big his house is.

Hindi ako makapaniwala na iyung Gigs na driver ko ay ganito na pala kayaman. Bigla tuloy akong nilamon ng hiya.

Sinalubong kami ni Gigs na may hawak na bote ng alak.

" Yaman na natin ngayon ah" Kiefer joked.

" Gago. Di pa tapos 'to." What? Hindi pa 'to tapos sa lagay na 'to?

Gosh! Ang humble ah.

" Hi Babe! Happy birthday ulit!" I greeted him but he didn't bother to greet me back. Ang duga! Bakit ganon? Lahat sila pinasalamatan niya pero ako hindi niya pinansin.

Kainis ah.

Pumasok kaming lahat sa bahay niya at naabutan namin si Miranda na nasa sala na at mukhang kagagaling lang sa kusina para kumuha ng mga pagkain.

Ay wow! Bet ko talaga kapag pagkain na ang usapan.

Nagtulungan na kaming mga babae sa kusina. Mukhang maraming handa si Gigs at mag-isa lang ni Miranda.

" Ako na dito sis. Mas may muscle ako kaya keribells ko na 'to" Ako na nagbuhay nung dalawang malalaking bote ng beer. Hindi naman actually mabigat. Sobrang arte ko lang talaga. Pabida kase ako.

Bumalik kami sa table at sinamahan iyung mga Jaguars na ngayon ay nag-iinuman na. They don't usually drink too much during celebrations like this. Parang chill chill lang ganon. They are more after the bonding and the talks rather than the drinks. They somehow talk seriously during situations like this. Dito na sinasabi ng mga Jaguars kung may balak na ba silang magpakasal o hindi pa.

" Gigs pare so kailan na ang kasal" Si Miguel na ang unang nagtanong.

Ewan ko ba pero parang may sariling isip iyung mga mata ko at agad na tumingin kay Gigs.

Palihim ko sana siyang titignan kaso nagulat ako ng mapatingin din pala siya sa akin. Nagtama ang mga mata namin. Agad akong umiwas at nagsalin na ng alak.

" Ang sarap nung alak sis" Bulong ko kay Grasha na katabi ko ngayon.

Hindi ko alam kung bakit pero ayaw ko ng tumingin sa gawi ni Gigs. Biglaang naging seryoso kase ang usapan ng mga Jaguars. Alam ko namang dapat sa kanila lang ang usapang ganito pero sinali nila kami dahil nandito si Miranda.

" As of now hindi pa naman nagpopropose sa akin si Gigs." Nakangiting sagot ni Miranda. Mukhang wala atang balak sumagot ni Gigs eh. Nagsalin lang siya ng alak at ininom iyon ng diretso ng walang sinasabi.

Concealed Identity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now