12 : The Call

143K 3.9K 702
                                    


Hala ba't ang laki na ng eye bags ko! - Iza

-----

Iza

Pasado ala una na ng madaling araw ngunit hindi parin ako madalaw dalaw ng antok. Galaw ako ng galaw sa kama ko dahil binabagabag ako ng imahe ng talipandas na Gregoryo na iyon. Isama pa iyung puson kong masakit. Kanina ay inulit kong pinakuluan iyung hiniwa hiwa kong luya na pinakuluan niya kanina pero dahil masyado siyang nagmamagaling, pumalpak tuloy. Pabida kase kala mo naman alam niya ang ginagawa. Tsk hindi manlang binasa lahat ng instructions sa google bago ginawa. Gustong gusto ko ng matulog kaso medyo masakit parin iyung puson ko. Hindi din ako makatulog nito dahil sa kakaisip.

Ilang minuto siguro akong nakatingin lang sa kisame ng aking kuwarto ng magulat ako dahil sa pagtunog ng phone ko. Inabot ko ito mula sa head board ng kama ko at tinignan kung sino ang tumatawag.

My eyes widened in an instant when I saw the caller ID. Bakit ako tinatawagan ni Gigs! Nag-dalawang isip pa ako kung aangatin ko ba o hindi iyung tawag niya.

Ano ba kaseng sasabihin niya at napatawag siya sa ganitong oras na ng gabi?

Wala namang utak iyung daliri ko pero para itong may roong sariling utak at pinindot iyung green na swipe nito para sagutin iyung tawag.

I closed my eyes and answered him.

" Oh bakit ka napatawag?" Tanong ko. Ano ba ang dapat kong sabihin? I can't possibly avoid him. Naisip ko na din iyun pero alam kong hindi ko iyon magagawa sa pagkakataong ito. Ako ang may kailangan sa kaniya eh. Ako ang nabuko at hindi naman siya.

" Hindi ka din pala makatulog. Akala ko ako lang" Ramdam ko ang pagod sa boses niya. Mukhang nakainom din 'to.

" Ah oo eh. Kanina ko pa gusto kaso ayaw talaga" I honestly told him but I heard him chuckle.

" May tanong ako" Umpisa niya

" Mmmhh ano iyon?" Umayos ako ng posisyon at ipinikit na iyung mga mata ko. Pakiramdam ko makakatulog na ako nito.

" Paano kung may kailangan akong sagutin na math question tapos di ko alam iyung sagot pero gusto kong magpatulong sa 'yo?" Ha? Graduate na siya ah. Ba't may paMath math pa siya.

" Hmm sige sabihin mo nalang sa akin pero di ko sure kung masasagot ko" Sagot kong papikit pikit na iyung mga mata ko.

" Babe 6+9?" He asked. I yawned and answered him.

" Mmm 69, Babe. Gigs ang dali kaya nun" I really want to sleep but my eyes widened as I realized what I just said.

I heard him chuckle

" Gigs matutulog na ako. Matulog ka na din" I encouraged him.

I heard him sighed.

Dahil sa sinabi ko sa kaniya kanina ay biglaan tuloy nawala ang antok ko, nandun na eh. Patulog na sana ako.

" Tulog ka na talaga?" Parang naririnig ko pa siyang tumutungga ng alak habang nagsasalita.

" Matutulog na sana kaso tumawag ka." I told him. Hindi ko alam kung bakit kami nag-uusap ngayon na para bang walang nangyari kanina. Siguro ay dahil pagod na nga talaga ako.

" Melissa" Tawag niya sa pangalan ko.

" Mmm bakit?" I yawned again

" You want me to sing a song for you? Para makatulog ka" Oh goodness! Bakit ba ganto 'tong Jaguar na 'to? Sa pagkakaalam ko hindi ganito sina Miguel ah.

Concealed Identity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now