22 : The Heartbreak

95.9K 2.7K 693
                                    


Paano ba makalimot? - Iza

-----

Iza

HINDI nagtagal ay umuwi si Gigs. Mabigat ang pakiramdam ko dahil sa nangyari. My eyes were swollen because of crying. True to what Gigs' mother said, halos ilang minuto lamang pagkaalis niya ay dumating si Gigs na inis na inis.

" Babe! San ka?" Narinig ko agad ang boses ni Gigs sa labas. I was inside the bathroom. Kakatapos ko lang magsuka. Baka dahil sa nakain ko kaninang umaga. Biglang sumama din ang pakiramdam ko. Masakit na nga ang puso ko, pati tiyan ko iba din ang pakiramdam. I hope I won't get diarrhea.

" I'm here Gigs!" I shouted back. I took the towel and wiped my face. I decided to wash my face after crying. I feel so hopeless. Iyung Iza noon na matapang parang hinukay na dahil hindi na tapang ang nararamdaman ko ngayon.

Lumabas ako ng banyo at nakita ko si Gigs na naghuhubad na ng damit.

" Scam sila Babe. Pinapunta ako ni papa sa wala. Naglinis ka na? Tapos na? Ba't di mo ko hinintay para sabay tayo maglinis?" Sunod sunod niyang wika. Naglakad pa siya papunta ng sala para kumuha ng walis.

" Babe iyung kuwarto natin di pa naman nawawalisan diba. Ako naman magwawalis. Para makapagpahinga ka na. Mukhang pagod na Babe ko eh" I turned my back at the sight of him. Naiiyak na naman ako nito.

Lintik na luha 'to ayaw tumigil.

Nabitawan ni Gigs iyung walis na hawak niya ng makita niya akong lumuluha.

" Why? Ba't ka umiiyak?" Concern was written all over his face.

Ang sakit lang kase. Hindi ko na mapigilan. Tapos nasusuka pa ako dahil sa kinain namin kanina. Ba't ba kase kumain pa ako ng avocado pagkatapos?

" Magsalita ka naman oh, Babe. Bakit?" He asked once more.

Napayuko ako bago nagsalita.

" Wala. Baka malapit na naman akong datnan kase nagiging madrama na naman ako." I lied. Next week pa dapat regla ko.

" Oh di ka naman ganyan last month nung nagkaroon ka ah. Bakit? May nagawa ba akong ayaw mo? May nangyari ba nung wala ako? Babe, ano? Hindi ka naman iiyak ng ganyan kung malapit lang regla mo eh. Kahit two months palang tayo kilala ko ma katawan mo" He said as a matter of fact. Maslalo akong naiyak sa sinabi niya.

" Iza, sorry na. Kung may nagawa man ako, sorry Babe. Sabihin mo sa akin para di ko na uulit." He added more. Niyakap niya ako pero lumayo ako ng kaunti.

" Gigs ang baho ko. Pawis ako eh tapos niyayakap mo pa ako" Saad ko pagkatapos pero maslalo niya akong niyakap ng mahigpit.

" Kahit mabaho ka pa, mahal kita. Pero di ka naman mabaho ah, bango mo nga oh. Amoy Babe ko." He was trying to lighten up the mood. Napahawak ako sa pisngi niya.

Gusto kong maging sumbungera at isumbong nalang sa kaniya ang mga sinabi sa akin ng mama niya pero hindi ko kayang gawin iyon.

Sasabihin ko sa kaniya tapos ano? Magagalit siya sa mama niya? Tatalikuran niya ang pamilya niya para sa akin? Hindi ko kayang makita siyang gawin iyon.

Gusto kong sumbatan ang mama niya nang sabihin nito na puppy love lang ang meron kami. Dahil hindi. Our love might not have been official for long years, but I can say that our love was real and it had thrive for years.

Tinanggal ko ang pagkakapulupot ng mga bisig niya sa bewang ko at tinalikuran siya.

Ayoko ng ganito. Ayokong makita siya at paasahin ngayon tapos bukas sasaktan ko din lang.

Concealed Identity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now