37 : The Family

101K 2.7K 392
                                    


Mahilig ba talaga ako sa ganon? - Iza

-----

Iza

DINALA ako ni Gigs sa isang espesiyalista. Ang sabi sa akin ng doktor ay nagkaroon daw ako ng traumatic experience at minor concussion noong insidente sa barko kaya nawalan ako ng ala ala. Pero ang sabi din ng doktor sa akin ay puwedeng makakatulong ang pakikipag-usap ko sa mga taong dati ko ng kilala.

" You have a traumatic amnesia, Miss Vallejos. This type of amnesia usually lasts for days, months or in severe cases, years. Meeting the people you had known before the incident doesn't mean that you will regain your memories back in an instant. It is a process. Hindi lahat ng pasyente ay sasakit ang ulo at makakaalala ng pakonti konti kapag may nakasalamuha na dati ng kilala. Hindi lahat ay parang dun sa napapanood natin sa telebisyon. That's what people always say but It doesn't always work that way. Asahan niyo na tutulungan ko kayo. I have ruled out depression because I cannot see any symptoms proving that. In your case, wala naman talagang mabisang paraan para makaalala ka. Traumatic amnesia resolves by itself without treatment. But I suggest that Mr. Hans would do some efforts on providing you the necessary information about yourself that you need. Magtulungan tayo. I won't promise that you will regain your memories in just a short time because even I don't know when" The doctor said. Napatango na lamang ako. Sa makalipas kase ng anim na taon ay ni minsan ay wala akong naalala sa aking nakaraan. Paminsan minsan noon ay sumasakit ang ulo ko lalo na nung mga araw pagkatapos akong natagpuan ni Tim sa dalampasigan. Pero ang makaalala ay wala talaga.

" I thought that she could regain her memories back when she meets the people that she already knows, Doctor." Gigs said. The doctor smiled.

" I understand your concern but I don't want to give you false assurance, Mr. Hans. It might help, but it might not. Amnesia is a disease that even the most intelligent doctor cannot predict when could his or her patient recover." The doctor said.

I saw how Gigs sighed.

" All I wanted was for her to remember me, Doctor. I want her to remember how we met, how we fell in love, and how we planned our dreams together. But I guess this is not a movie" Sadness was evident on Gigs voice.

TAHIMIK lamang si Gigs sa buong biyahe. Hindi ko alam kung paano siya kakausapin dahil alam kong malungkot siya.

" Huwag ka ng malungkot please. Makakaalala din naman ako diba. Siguro hindi pa ngayon pero darating ang araw na makakaalala din ako." Wika ko sa kaniya. Hinawakan niya iyung kamay ko gamit iyung isa niyang kamay at ipinagsiklop iyon.

" I'm sorry Babe. Gustong gusto ko lang kase talagang makaalala ka na." Wika naman niya.

" Gigs alam mo bang kahit na hindi ka maalala ng isip ko, kilalang kilala ka ng puso ko" I told him. Mukhang nagustuhan niya ang sinabi ko kaya napangiti siya.

" Kinilig naman daw ako Babe" Wika niya. Napangiti din ako.

" Oo kaya huwag ka ng magtampo. Hindi ka na guwapo kapag nakasimangot ka." I told him. Napatawa tuloy siya.

" Gustong gusto mo ngang nakasimangot ako noon eh. Masayang masaya ka pa nga tuwing nakikita mo akong nakasimangot, Babe" Untag niya.

" Ganon ba? Edi ang sama ko naman pala kung ganon" Sagot ko naman.

" Hindi lang iyun, Babe. Palagi mo pa akong inaasar. Kahit alam mong busy ako nagpapasundo ka parin. Kahit ala una na ng gabi kailangan ko pang magising para lang sunduin ka" Sumbong niya pa.

Ganun ba talaga ako noon?

" Ay ang sama naman pala ni Iza" Wika ko na lang.

" Pero gustong gusto ko naman dahil kahit papaano nakikita kita, nakakasama kita. Babe ganun ako kabaliw sa 'yo noon. Nagpanggap ka pa ngang bakla noon Babe eh kaso nahuli din kita" He was smiling while telling me those things.

Concealed Identity (Completed) [R-18]Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang