9 : The Danger

128K 3.6K 598
                                    



Paano ba magsinungaling? - Iza

-----

Iza

The look in his eyes gives me that strong feeling of a dangerous threat. I cannot stay long in his captivating eyes.

" Ako na ang nagmamakaawa sa 'yo. Umalis ka nalang Gigs. Kailangang kailangan ko lang talagang mapag-isa" Buong tapang kong wika sa kaniya ngunit ginantihan niya lang ako ng iling.

" Nandito na ako Iza. Magpalit ka muna bago tayo mag-usap. Dinudugo ka na" Nang sabihin niya iyon ay saka palang ako tumingin sa suot kong pajama na may bakat na ng dugo. May bahid ng pag-aalala ang boses niya na hindi niya manlang nagawang pagtakpan.

Pipi akong napamura sa aking isipan.

" I told you may sugat lang iyung puwet ko" Pagdadahilan ko bago ko siya tinulak tulak na para umalis ngunit hindi ko iyon magawa gawa dahil hindi ko siya maitulak tulak. He stood his ground firmly and placed both his hands on his waist as he looked at me with too much frustration.

" May dinudugo ba sa puwet na sa ibang lagusan lumalabas ha, Iza. Sagutin mo ako." Iyung dugo ko kase sa tapat mismo ng pekpek ko lumalabas kaya kitang kita sa harapan. At ang dami pa dahil madami ako reglahin.

" Ano ba Gigs. Puwede bang huwag ng madaming tanong at umalis ka na lang. Nagmamakaawa na ako sa 'yo" I begged him but he just handed me the paper bag like he was using it as a question. Kung kukunin ko iyon, ibig sabihin lang nun na tama ang hinala niya.

" Hindi. Hindi ko kailangan iyan diba. Sinabi ko na sa iyo kanina" I tried to deny still but he was so persistent.

" Then tell me. Bakit ka may sugat sa puwet kung ganon?" Tanong niya. Halatang maspinapahirapan niya pa ako dahil sa mga tanong niyang hindi ko masagot.

He sighed as he took out the whole pack of napkin from the brown paper bag and opened it to hand me one.

Napatingin ako sa brand nung napkin na binili niya.

Sisters night use. Iyun pa iyung kulay violet. Akala niya siguro ito ang ginagamit ko dahil ito iyung nahulog nung pilit kong inaabot iyung whispers kanina.

" Ano ba Gigs. Hindi gumagamit ng ganiyan ang mga bakla" Hindi ko na kayang itago pa ang sobra sobrang frustration na nararamdaman ko kaya tumalikod na ako dahil alam kong kailangan ko ng magpalit ng pajama. Nararamdaman ko na kaseng basa na ng dugo ito. Napakahirap ng sitwasyon ko dahil hindi ko naman puwedeng pigilan ang paglabas ng dugo.

" You are playing a losing game, Iza. Hindi naman ako tanga para hindi malaman kung ano iyan. Tangina ako parin 'to si Gigs. Ako parin iyung Gigs na kilala mo. Nakikisakay ako sa joke kung kinakailangan. Pero sa pagkakataong ito huwag mo naman akong gawing tanga. Iyang katawan mo, katawan ng isang babae. Iyang boses mo, boses ng isang babae. The way you act. The way you move. Everything is just how a woman does it. Your ways are of a woman's. And your language speaks of a woman. Please don't make me sin more, Iza and tell me the truth. Sagutin mo ako ng maayos dahil gustong gusto kong malaman ang totoo. Gusto kong malaman kung bakit sa tuwing kasama kita, iba ang ihip ng hangin. Sa tuwing nilalandi mo ako, hinahayaan lang kita. Sa tuwing nilalambing mo ako, hinahanap hanap ko. Puwedeng puwede kitang huwag nalang pansinin, pagtabuyan at hayaan nalang pero hindi ko ginawa dahil hindi ko kaya. Hindi ko kaya dahil ayokong baka umiral na naman iyan kabaliwan mo at may mangyari sa 'yong masama. I'm crazy, Iza. Matagal na. Now, I've realized that I have been crazy for a very long time now." He was struggling not to get mad. He was trying hard to be calm in front of me kahit na alam kong galit na siya at sobra sobra na ang nararamdaman niyang emosyon.

Concealed Identity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now