31 : The Beginning

86.4K 2.7K 598
                                    


Ang pagsisimula ng pagtatapos - Iza

-----

Iza

ANIM NA TAON na ang nakalipas nang gumising ako ng walang matandaan. Pati pangalan ko ay hindi ko alam.

Isang pamilya ang kumupkop sa akin at pinatuloy sa bahay nila.

Nalaman ko ding buntis pala ako at hindi alam kung sino ang ama ng pinagbubuntis ko. Now, 6 years had passed my son is already five years old.

I named him Timothy Savier Legazpi. His nickname was Savi. I named him after the man who saved me from almost dying. His name was Timothy Legazpi. Iyung Savier naman naisip ko lang. It just popped out of nowhere. Ang sabi niya sa akin nahanap niya daw ako sa dalampasigan. Isa siyang mangingisda at nangingisda siya nung araw na natagpuan niya akong walang malay. He welcomed me in his house and took good care of me.

Naninirahan siya kasama ang kaniyang ina na siyang naging katuwang ko din sa pagpapalaki kay Savier.

" Tim salamat sa lahat. Kung wala ka hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa amin ni Savi" I told him.

" Walang anuman iyun, Isabela" He answered. Isabela Legazpi ang ipinangalan niya sa akin dahil hindi ko matandaan ang pangalan ko. He told me that we have to make a name for me. Kailangan kase nung pinanganak ko si Savi sa ospital. Siya na din ang pumirma ng birth certificate ni Savi at ang tumayong ama nito.

" Mama!" Napangiti ako ng marinig ko ang boses ng aking anak.

Lumaki si Savi na isang matalino at malusog na bata. Malambing din siya at mahilig yumakap sa akin. He calls me mama. Papi naman ang tawag niya kay Timothy.

" Anak!" Nakangiti kong baling sa anak ko. Madungis ito at halatang kagagaling lang sa pakikipaglaro sa kapitbahay.

" Nag dungis dungis mo anak!" I pinched his nose. Sobrang tangos ng ilong ni Savi hindi kagaya nung akin na pango. Siguro minana niya sa kaniyang tunay na ama. Iyun nga lang at hindi ko kilala kung sino.

HINDI naging madali ang buhay namin sa loob ng anim na taon. Simula ng makita ako ni Timothy sa dalampasigan ay hindi ko na naibalik pa ang alaala ko. Hanggang ngayon ay hindi ko parin kilala kung sino nga ba talaga ako kaya nahirapan akong maghanap ng maayos na trabaho. Ni hindi ko alam kung nakapagtapos ba ako ng pag-aaral.

Okay naman na sa akin iyung maging labandera. Atleast ay nakakatulong ako sa gastusin. Sa susunod na buwan kase ay papasok na sa paaralan si Savi. Mag gregrade 1 na siya. Hindi ko alam kung saan pa ako puwedeng kumuha ng panggastos sa anak ko kaya matagal ko na itong pinag-ipunan.

Mahirap ang buhay namin. The house we live in is not even ours. Isang squatter area ang tirahan namin kaya kahit anong oras ay puwede nila itong ipademolisyon.

" Mama sabi sa akin nung kapitbahay natin madumi daw ako" I heard my son said. Nakasimangot ito habang nakatingin sa akin na nagsusumbong. I pinched his nose again.

" Yaan mo maliligo si Savi para malinis at mabango na siya" Nakangiti kong wika sa anak ko.

Nasasaktan ang puso ko tuwing nakikita kong tinutukso si Savi dahil wala siyang ama. I told him the truth that Timothy is not his real father. Ayoko namang magsinungaling sa anak ko para lang hindi siya masaktan.

Naki-igib muna ako ng tubig na panligo ni Savi sa kapit bahay bago ko siya pinaliguan.

" Mama saan po ako mag-iiskul? Sina Totoy dun sila sa magarang paaralan. Dun din po ba ako?" Tanong ng anak ko habang sinasabunan ko siya.

Concealed Identity (Completed) [R-18]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon