41 : The Suitor

98.9K 2.5K 133
                                    


Simple lang pero masaya - Iza

-----

Iza

Bago ang kasal ay napagdesiyunan namin ni Gigs na bumisita muli sa Palawan. Nagbakasyon na kami dun ng halos isang linggo last month. Tuwang tuwa si Savi. Nagulat nga ang aking mga magulang dahil sa nakita nila. Sino ba naman ang hindi. I left home single and came home with a son plus a boyfriend. At dun ko din inamin sa mga magulang ko ang lahat ng nangyari. Masama ang loob nila sa akin dahil hindi ako nagparamdam ng anim na taon. Naluha sina mama ng sabihin ko ang totoong nangyari. Pero sa huli ay nagpasalamat sila sa Diyos dahil buhay ako at si Savi. Hindi man nagustuhan ng aking mga magulang ang ginawa ko lalo na ang aking ama na halos hindi mawari kung bakit ko iyon nagawa ay humingi parin ako ng kapatawaran sa lahat ng ginawa ko at pinatawad nila ako. I asked for forgiveness, kahit gaano pa ang galit ng aking mga magulang sa akin ay nagawa parin nila akong patawarin.

We boarded the ship together. Si Savi ay tuwang tuwa dahil makikita niya ulit ang kaniyang lolo at lola pati narin ang kaniyang mga ate at kuya. Lima kaming magkakapatid. Ako ang panganay.

" Babe, sina Nay Flora pala natawagan ko na kanina. Tuwang tuwa dahil madami daw bumibili sa grocery store niya" Baling sa akin ni Gigs habang karga karga si Savi. Papasok na kami ngayon sa barko. Masaya ako para sa kanila. Malawak at malaki ang grocery store na pinatayo ni Gigs para kila Nay Flora. Sa ngayon ay natitiyak kong nakaupo nalang si Nay Flora dahil may mga trabahante naman na siya.

Nilipat din ni Gigs sina Tim sa masmaayos na tirahan. Mansyon ang binili niyang bahay sa kanila. Ginawa ding manager ni Gigs si Tim na ikinatuwa naman ni Tim. Kahit pa hindi nakapagtapos si Tim ay tinanggap parin siya ni Gigs. I don't know if he pulled some strings there pero hindi na ako umapila pa. Tim deserves the position. At ang sabi naman sa akin ni Gigs, kayang kaya daw ni Tim iyung trabaho niya.

" Nasabihan mo na ba sina Tim tungkol sa kasal. Ako nalang ang personal na magsabi kay Nay Flora at Tim. Bibisitahin ko din sana si Nay Flora pagbalik natin galing Palawan." Wika ko kay Gigs. Tumango naman siya.

" Basta ikaw Babe." He winked.

" Come on superman, let's settle inside" Gigs said to Savi. Habang tumatagal maslalo kong napapansing sobrang kamukha ni Savi si Gigs. They both looked like a carbon copy of each other.

Sana lang talaga at lumaki din si Savi na mana ang ugali ng ama niya. Gigs is a Jaguar but for me, he is the best among the Jaguars. Binansagan mang playboy ang mga Jaguars, pero para sa akin hindi. Kung playboy si Gigs malamang may sariling asawa at anak na siya ngayon. Hindi naman kase biro ang anim na taon na wala ako. He had the right to find another woman before because I was already proclaimed dead right in front of his eyes but he did not do it. Walang ibang babae maliban sa akin kahit pa anim na taon na ang lumipas.

" Mama may makikita na po ba akong shark mamaya?" Si Savi na nakatingin sa karagatan.

Tawang tawa naman si Gigs na binalingan ang anak namin.

" Pag-uwi natin pupunta ulit tayo sa ocean park, anak" Wika sa kaniya ni Gigs. Umalis kami ng bansa last week para lang sa shark kuno ni Savi. Masyadong iniispoil ni Gigs ang anak namin. Halos lahat ng gusto niya binibigay ni Gigs. Natatakot na nga ako dahil baka lumaking spoiled si Savi.

Sa Day care center ng mga Zarate inenroll ni Gigs si Savi. It's one of the best schools in Manila. Ang sinabi sa akin ni Gigs ay para din daw makasama niya ang mga anak ni Kiefer, Shannon at Miguel. Napaisip tuloy ako, everyone of them have their own sons and daughters. Si Kyle nalang talaga ang wala pa.

Concealed Identity (Completed) [R-18]Where stories live. Discover now